Rebeldeng anak ng isang missionary
Madasalin at may takot sa Diyos is Abegail noong bata. Bagama’t isang anak ng Pastor, hindi siya masaya dahil sa busy ang mga magulang sa ministry, galit siya sa simbahan dahil dito.
Lalong nangulila si Abegail ng namatay ang Daddy nya habang busy ang mommy niya bilang isang Christian missionary sa ibang bansa.
Namulat si Abegail sa pornography sa murang edad at ang first boyfriend niya na bartender ang nagpakilala ng droga at ng kalaswaan.
Tumindi ang pakikipag-relasyon ni Abegail sa iba’t-ibang tao dahil gusto niyang saktan ang ina dahil sa pag-iwan sa kanya. Gusto niyang iparamdam na ganito ang naging bunga ng kanilang pagiging pastor.

→ Dahil sa sapatos, pumatol sa isang bakla.
Abuso sa grasya ng Diyos
Pumasok sa teatro si Abegail at dito siya namulat sa immorality. Nainggit siya sa mga kaibigan na may layang nanonood ng porn. Mahilig din siyang lumabas, sumayaw, uminom, at madalas sabihan ng mga kaibigan na mali ang kanyang ginagawa.
Ang kanyang sagot, “Bakit, kapag anak ka ng Pastor, kailangan banal? Hello, pwede akong humingi ng tawad bukas, kunwari magbabago, e di saved pa din ako.”
Nagbulag-bulagan siya sa katotohanan at inabuso nya ang awa ng Diyos. (Hebrews 10:26)
Dahil na rin sa kagustuhang makabili ng kung ano-anong bagay, natutong mang-akit si Abegail kapalit ang pera.
Umabot sa 48 ang lalaki at 16 na lesbian ang kanyang mga naka-relasyon. Miski naiisip niyang ito ay kasalanan, sa tingin niya, makakalusot siya sa kasalanan.
Sinasaktan niya ang ibang tao sa panloloko at paggamit sa kanila. Bagama’t ginagamit din siya ng mga ito. Dito niya binaling ang kanyang seguridad, kapalaran, at kaligayahan—pero niloloko lang niya ang kanyang sarili.

→ Practical steps to overcome pornography.
Gang-rape to Escort Business
Niyaya si Abegail na matulog sa bahay ng isang kaibigan. Habang natutulog, tatlong lalaki ang pumasok sa kuwarto at ni-rape siya. Sinarili niya ang pangyayaring gang-rape at dito niya tuluyang tinanggap na wala na siyang pag asa.
Sinubukan niyang mag-suicide at ninais din na bumalik sa Panginoon, subalit pinigilan siya ng demonyo. “The enemy tried to attack me again, he would tell me, tignan mo marumi ka na, bakit ka pa babalik, ginusto mo rin naman yun.”

Marumi ka na, bakit ka pa babalik
Naniwala sa bulong ng demonyo
Ito ang malaking pagkakamali ni Abegail, ang paniwalaan ang kaaway na demonyo na siya ay talunan. “Oo nga no, bakit kailangan pang magbago? Palalakihin ko yung nakukuha kong pera, at the same time, nag-eenjoy ako,” sa isip niya.
Gamit ang internet, naging sideline niya ang ‘Escort Service,’ at mga foreigners ang kanyang naging paboritong customers.
→ Jackie Hill Perry’s Gay Girl, Good God.
Teacher’s pet
Naging guro din si Abegail subalit hindi siya naging magandang halimbawa dahil sa pagkakaroon ng relasyon sa mga ilang estudyante.
Tuwing tumitingin siya sa salamin, tila hindi na niya kilala ang kanyang sarili, OK sa labas, pero deeply wounded inside. “I started to feel empty again,” madalas siya ma-depressed, pero tuloy pa din ang kanyang makamundong buhay.
→ Sin can disable if you do not know who you are in Jesus.

Ipinakita ng Diyos ang impyerno
Habang nasa-gimmick, nalasing si Abegail at tumira ng mataas na drug dosage. Bigla siyang nawalan ng malay at iniwan ng mga kaibigan dahil sa takot. Naging kulay-talong si Abegail at sinabi ng mga doctor na siya ay ‘clinically dead.’
Siya ay namatay ng ilang sandali at dito niya nakita ang impiyerno. Ang tila ilang segundo ay ilang oras sa kanyang nakita. (Revelation 21:8)
Habang wala ng malay si Abegail, pinakita ng Diyos ang iba’t-ibang pangyayari sa buhay niya. Matapos ay dinala siya sa impiyerno. Isang malungkot, nakakatakot, mainit, at puro sigaw ang kanyang nakita.
Ang sabi ni Lord, “Ganito ang mangyayari sa iyo kapag hindi ka nagbago.” “I cried, give me one last chance, pag pinagbigyan mo ako, promise hindi na ako babalik,” pakiusap niya. Siya ay nagkaroon ng malay matapos ang ilang araw at na-realize niya na siya ay buhay pa rin.
Matapos ay dinala siya sa impiyerno. Isang malungkot, nakakatakot, mainit, at puro sigaw ang kanyang nakita.
Ang sabi ni Lord, “Ganito ang mangyayari sa iyo kapag hindi ka nagbago.” “I cried, give me one last chance, pag pinagbigyan mo ako, promise hindi na ako babalik,” pakiusap niya. Nagkaroon siya ng malay at na-realize niya na siya ay buhay pa rin. (1 Peter 5:6-7)
Siya ay namatay ng ilang sandali at dito niya nakita ang impiyerno.
→ A young girl sees rapture and hell.

Ibuo mo ang lasog-lasog kong puso
Nagbalik muli si Abegail sa Diyos at muli siyang nakaramdam ng katahimikan at pagasa. “Buoin mo ang nagkalasog-lasog na sarili ko,” ang dasal niya.
Sampung taon siyang nagpagamit at pakiramdam ni Abegail, isa siyang bubog na lalong dinikdik. Subalit muli siyang binuo ng Panginoon. Kinailangan lang niyang maniwala na mahal siya ng Diyos, miski ano pa ang kanyang kasalanan o nakalipas. (Psalm 86:15)
→ Amie Galvez: Dating lesbian na nagbagong buhay.
Humingi siya ng tawad sa Mommy niya at pinutol niya ang relasyon sa ibat-ibang tao, nagsimula siyang muli. “There is a real joy and abundant peace, yung tatlong yun, lahat yun ay makukuha mo sa Panginoon.”
Noong 2018, natagpuan ni Abegail ang kanyang ‘true love,’ at isa na siyang Mrs. Abegail Raymundo, isang tunay na anak ng Diyos na may nagmamahal. (Deuteronomy 7:9)
Isang tunay na anak ng Diyos na may nagmamahal