Ang “Fish Love” ay Hindi Tunay na Love

Paano ba ang magmahal?

26
302
fish love

Mahal mo ba siya dahil may itsura?

Isang matanda ang nakakita ng binatang maganang kumakain ng isda. Tanong ng matanda, “Bakit mo kinakain yang isda?” Sagot ng binata, “Dahil love ko ang isda.” “Ah, love mo ang isda, kaya tinanggal mo ito sa tubig, pinatay at niluto.”

Huwag mong sabihing love mo ang isda. Ang totoo, love mo ang sarili mo. Dahil masarap ang isda sa panlasa mo, biningwit mo ito sa tubig, pinatay, niluto at kinain.”

Baka fish love lang yan

Tunghayan natin ito. Na-in love si binata at dalaga. Ang Ibig sabihin nito, nakita ng binata sa dalaga ang isang tao na sa tingin niya ay magbibigay sa kanya ng pang-pisikal at emosyonal na pangangailangan niya. Ang dalaga ay nakita din sa binata ang isang taong maaaring magbigay ng mga pangangailangan niya.

fish loveAng bawa’t isa ay naghahanap ng magpupuno ng kani-kanilang pangangailangan. Ang totoo, ang tao ay nagiging kasangkapan lamang para makuha ang pang-sariling kasiyahan. Hindi ito pagmamahal. Lahat tayo, mahal ang sarili – yun ang totoo. Ang ganitong klase ng pagmamahal ay “fish love.”

Tuna-Love?

Ang tunay na pagmamahal ay hindi tungkol sa kung ano ang makukuha mo – kung hindi dahil mayroon kang kayang ibigay, upang maging maligaya ang isang tao. Sa totoo lang, dapat ay may parte ng buhay mo na ipinuhunan mo, ibinigay, at sinakripisyo para masabi mo na mahal mo ang isang tao.

Isipin mabuti
Ikaw, ano ang dahilan mo at minahal o minamahal mo ang isang tao. Dahil ba sa tulad ng isang pagkain na masarap, maganda o pogi ang itsura? At kapag nabigo ka, sobrang sakit pero kapag may nakitang iba, biglang OK ka na? Baka “fish love” lang yan.

Tunay na Pagibig

Mahal mo ba ako dahil mahal kita o mahal kita dahil mahal ko ang sarili ko? Ang hirap sagutin diba? Basagin mo ang naiintindihan mo sa love. Ang tunay na pagibig ay kayang ibigay ang kanyang buhay, para ikaw ay lumaya sa kapahamakan. Ito si Jesus, love ka nya at ibinigay nya ang kanyang buhay, para maging malaya ka at maramdaman ang totoong pagmamahal.

true love from GodKung naramdaman mo na ang tunay na pag-ibig ni Jesus, ang kanyang pagmamahal ang tutukoy sa taong iyong mamahalin. Ang love ni Jesus sayo ang pupukol ng tama, tunay, at pang-habang buhay na pagmamahal.

Apart from me you cannot do anything

Sabi sa John 15:15, “… apart from me you cannot do anything,” ayon kay Jesus. Maari ka lamang makapagbahagi ng tunay na pagmamahal, kung ikaw mismo ay nakaranas ng tunay at wagas na pagmamahal, na Diyos lamang ang maaring makapagbigay.

→ Bigo sa pagibig, paano mag move-on?
→ Dating a non-Christian? Here’s what you should know
→ Join Youth Confession @Facebook

– Prayer –
“Jesus, nais kong tangapin ang iyong pagmamahal. Simula sa araw na ito, ikaw ang aking natatanging Hari ng buhay ko. Tulungan mo akong magmahal ng tunay, magbago, at makilala ka.

– Speak Life!-
“Mahal ako ni Jesus”

christian counseling philippines

26 COMMENTS

  1. a real loving relationship between a man and a woman is based on not just love for each other but there must be love for God to cause without love for God than you can say I love you all you want to your boyfriend or girlfriend or husband or wife but without putting God first there is no love for each other cause God is the God of love intimacy and sex

  2. jesus is clearly a behavioral sciopath, or another way to put it is , jesus is an emotional sciopath, jesus has all the answers and all the indicators of a pathological sciopath, jesus and charlie manson have a lot in common , and any another dictator type person as far as that goes, the christians are not fooling any one , they are liars of the first order, come take a little bath with jesus and wipe your history away, if there is a satin in the bible clearly it is jesus

    • He had His plan for you before you were created in the womb. So yes wait for the Lord He has your perfect match so you will both live happily. Someone told me and it’s true, don’t be mixed up with the wrong one when the right one comes along.

      • +Jesus’ Faith amen Bro!! wow its a message and confirmation from Jesus.. I prayed to deliver me from temptation and your comment is just in timingpraise God. blessed be his name amen!!!

        • You’re a handsome man and I’m sure there are many men interested in you but hang on dear sister, continue to pray for the one that will love and cherish you. Just think he’s out there praying to meet you and saving himself for you as well because you know he’s a Godly man, the Lord wouldn’t put you with anyone else.

    • what an inspiring message from God amen!! thank you Jesus and while I’m waiting I will serve you. may God bless you sis and thank you for being a vessel for God message amen..may he will bless u more

  3. lokohan nalang ngayun ang pag-ibig .. karamihan ng lahat hnd alam ang tunay na pag-ibig kung saan talga nag mumula .. 😀

  4. sabi nga sa awitin ni yeng

    “Ang pag-ibig, hindi parang cellphone
    ‘Pag naluma, papalitan
    Ang pag-ibig, hindi parang damit
    ‘Pag may bagong uso, papalitan”

    “Ang pag-ibig, hindi parang pagkain
    ‘Pag pinagsawaan, pamimigay nalang
    Ang pag-ibig, hindi parang pusa
    Pag maingay, ililigaw nalang”

    baka kasi pag napaso ka sa pagsubo mo bigla mo nalang iluluwa…

  5. ang love sa henerasyon ngayun ..
    love kasi kita kasi sexy ka .. love kasi kita ksi maganda ka, love kasi kita kasi maganda ang mata mo ..
    naku naku .. iba ang love nyan baka gusto kang tikman???

  6. isip muna ng mabuti , kung sa tingin natin sa ating paningin ay pasado.? sure ba na pasado sa ating magulang ang lalaki o babae na sa atin ay pasado? HAHA kilatisin muna bago sagot ng sagot o Paligaw ng paligaw ^^

  7. mahirap agad agad pumasok sa isang relasyon na hindi pa dapat, isipin muna kung okay na ba? stable na ba ? wag agad agad pasok ng pasok sa isang sitwasyon na ikakasisisi sa bandang huli

  8. pag-ibig ay hindi dahilan para saktan ang iba karamihan sa ating kabataan yan ang way nila upang saktan ang iba, papatulan kahit hnd namn talaga nila gusto

  9. bibingwit ka na rin naman ng isda dapat ung maaganda na ung ” ginto” at ung gintong pagmamahal na un kay Lord lang mangagaling

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here