Ang hirap sabihin ng Happy Father’s Day

9
79
masamang ama

Papa, mahal mo ba ako?

Panganay ako sa pitong magkakapatid. I was 19 years old ng kinailangan ng Mama ko na iwan kami para mag trabaho bilang OFW. Ang Papa ko ay pa-extra-extra lang. Naging mahirap sa kanya ang tumayong ina at ama ng tahanan. Subalit imbis na mag trabaho at busugin ng pagmamahal kaming mga anak niya, sakit, galit at pambubulyaw ang ibinibigay sa amin.

Masasakit na salita ang kanyang sinasambit, lalo na kapag siya ay nakainom ng alak. Dahil dito, nagrebelde ako sa aking puso, hindi ko siya pinapansin tuwing aalis at uuwi ako ng bahay. Pakiramdam ko walang s’yang kwentang ama. Galit na galit ang aking puso sa tuwing nilalapitan niya ako upang humingi ng pera para pambili ng alak. Ang buhay namin ay parang telenovela.

Pagsubok at dagok

Na-hospital ang aking kapatid at wala kaming pambayad. P200 lang ang pera sa wallet ko. Wala sa tabi namin ang aming Papa at inakala ko na naghanap siya ng pambayad. Subalit ayun! Kaharap niya ang mga kainuman. Habang tumatagal ang tanging dalangin sa aking isipan ay sana mawala na lang siya.

Hindi na magbabago ang aking ama. Napaluha na lamang ako

Isang dagok muli

Sa aking kaarawan, nangako ang Papa ko na maghahanda siya. Natuwa ako at makakabawi siya sa akin. Natapos ang araw pero wala akong nakita ni isang pirasong cake o hibla ng pansit. Sa aking isip, hindi na magbabago ang aking ama. Napaluha na lamang ako.

Happy Father’s Day?

Father’s day noon at birthday ng aking kapatid. Ginising ni Papa ang aking kapatid at ang sabi niya,”happy birthday.” Bakit ganun? pinaparamdam talaga ni Papa na special day yun sa aking kapatid pero sa akin ay hindi.

That same day, kinausap ako ng aming kapitbahay at sinabi na naglalasing daw si Papa dahil hindi ko daw siya binabati ng “Happy Father’s Day.” Pinaalala sa akin ni Lord ang sinabi sa Bible, “Children, obey your parents in the Lord, for this is right. “Honor your father and mother – which is the first commandment with a promise” (Ephesians 6:1-2).

“Nak wag sanang mawala ang komunikasyon mo sa akin”

Bigla ko rin naalala na noong time na binigyan niya ako ng cell phone, ang sabi niya sa akin, “Nak wag sanang mawala ang komunikasyon mo sa akin”. Muli akong napaiyak at na-realize na ang puso ko ay natabunan ng galit. Masama man ang aking loob at hindi ko masabi ang lahat kay Papa, binati ko pa din siya sa araw na iyon, sapagkat ito ang tama.

Yes, Happy Father’s Day

Napakabuti ng Panginoon sapagkat kahit makalimot ang isang tao o mabulag sa galit, hindi matatapos ang pag-ibig niya sa akin at sa iyo. Tulad ng sinabi ng aking ama sa akin, “huwag akong mawalan ng komunikasyon sa kanya.” Ganun din ang Diyos, at kung nahihirapan ka at tila wala ng pag-asa, kausapin mo lamang siya. Manatili ang iyong komunikasyon sa kanya sapagkat hindi mo man nakikita, mahal niya tayong lahat.

Ama namin

Hindi man perfect ang aking Papa, unfair at hirap akong makita na mahalaga kami sa kanya, alam ko na mahal niya kami – ama namin siya.

Ang aking magagawa lamang sa ngayon ay ipagdasal at igalang siya bilang ama, sapagkat ito ang kagustuhan ni Lord. Alam ko na balang araw, the Lord will answer my prayer, magbabago din siya, tulad ng pagbabago ng aking puso.

Tayo ay dapat magpatawad miski hindi sila humihingi ng tawad. Tulad ng sabi ng dasal na “Ama namin,” tayo ay magpatawad, tulad ng pagpapatawad sa atin ng ating ama sa langit.

Relate ka ba? Kung ikaw din ay may pinagdadaanan sa iyong mga magulang, text us so we can pray for you.

christian counseling philippines
SHARE

I’m the “drummer girl” of John15 Rocks! I am also a youth team leader and a learner. Drop me a comment, suggestion, or how we can help equip each other in Christ.

9 COMMENTS

  1. “Panginoon bigyan mo ako ng mga mata kung papaano mo nakikita ang aking magulang, mga kapatid at mga tao sa paligid ko upang sa ganun ay mahalin ko din sila kung paano mo silang minamahal”. God’s love is unconditional. Yes, our parent’s were not perfect but we should love them and obey them because this is right. God bless 🙂

  2. wow what a nice story from you ate 🙂 may tatay din ako na puro inom ang inaatupag, pero alam niya ang limit niya pagdating sa amin 🙂 isa ka sa inspirasyon sa ating kabataan keep it up God bless you

  3. always pray lang ke Lord kapatd He hear us 🙂 want ni Lord kasi na tayo ay Kumapit at lumapit sa kanya gaya nga sabi sa ephesians 6:1 obey our parents 🙂 sunod lang tayo ke Lord may perfect time.

  4. lahat ng kabataan ay napagdadaan ang ganun napapagalitan, napagsasabihan kung minsan nasasaktan sa maling paraan, im so inspiring to share your life testimony as a good sibling , dumaan ka man sa pagrerebel gamit ang isip but the Lord is reminding to be calm kung ano man ang situwasyon natin at napakaganda na kahit ganun ang father mo the Lord is telling you na mag obey ka pa din

  5. obey your parents yan ang pinakautos ng Diyos sa mga anak, bilang magulang sana ganyan din ang aking anak although nasasaktan ko siya emotionally sana hindi niya maisip na hindi ko siya mahal … mag papaka nanay muna ako sa iyo “nakagawa man ako ng masakit na paraan iisipin mo na hindi ko yun kagustuhan para saktan ka, nagkakataon na nadadamay ka dahil sa mga problema alam kung mali at mahirap man para sa akin na maiwasan yun sana mapatawad mo ako anak”

  6. ako bilang binata , aaminin ko na mahirap sumunod sa magulang pero isa sila sa makakatulong sa ating buhay sapagkat iniisip nila na ayaw nilang mangyari ang mga bagay bagay na naranasan nila ,, kung minsan pa nga mga gusto natin ay hindi pa agad sinasaang ayunan sa kadahilanan inaalam nila kung talagang makakatulong ito sa iyo bago ibigay,. intindhin din natin ang magulang patawarin natin sila sa mga bagay na nasaktan tayo im sure na hindi nila sadya iyon 🙂
    im so inspired na nabasa ko itong life testimony mo ate erica pag palain ka pa ng Lord

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here