Huwag matakot o malungkot, mahal ka ng DIYOS. Ang istorya ni Hesus sa krus at ang muling pagkabuhay niya ay kasiguruhan ng pagmamahal ng DIYOS sa atin. Ang kasalanan ay may kabayaran, subalit tinubos tayo ni Hesus.
Lahat ay makasalanan
Lahat tayo ay nagkakasala at may minana na kasalanan (Romans 5:12). “Ang inyong mga kasalanan ay siyang nagpakubli ng kaniyang mukha sa inyo, upang siya’y huwag makinig” (Isaiah 59:2). Ang kasalanan ay may kabayaran. (Romans 6:23)
Romans 3:23
“Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at walang sinumang nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos.”
Mahal ka ni LORD!
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng DIYOS sa lahat ng tao. Ipinagkaloob Niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa Kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (John 3:16)
Romans 5:8
“Ngunit pinatunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin nang mamatay si Cristo para sa atin noong tayo’y makasalanan pa.”
Si Hesus ang iyong pagasa
Ang dugo ni Hesus ang bayad sa iyong kasalanan na ang kapalit sana ay kamatayan at impyerno. Ikaw dapat ang pinarusahan, subalit si Hesus ang pinako at tinubos ang lahat ng kasalanan ng sanlibutan. (2 Corinthians 5:15)
John 14:6
“Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakapunta sa Diyos Ama kungdi sa pamamagitan ko.”
Magpakumbaba, magsisi, huwag ng bumalik sa kasalanan, at maging handa sa pagsubok
Ang DIYOS ay banal at tayo ay makasalanan. Ang unang hakbang ay ang paniniwala na si Hesus ay tunay na DIYOS-TAGAPAGLIGTAS. Magsisi ka sa iyong kasalanan at mag-desisyon (repentance o metanoia) na hindi ka na babalik sa dating buhay na makasalanan.
Ang lahat ng mahal ng DIYOS, siya niyang binibigyan ng pagsubok. Maging handa at gawin ang pagbabagong buhay, habang ikaw ay nasa lupa.
Revelation 3:19
“Ang lahat kong iniibig, ay aking sinasaway at pinarurusahan: ikaw nga’y magsikap, at magsisi.”

Si Hesus ay kumakatok sa maligamgam na puso
Sabi ni Hesus, “Ako’y naparito upang sila’y magkaroon ng buhay na masagana at ganap” (John 10:10). Si Hesus ay hindi papasok sa pinto ng mga taong ayaw sa kanya. Tulad ng pagkatok niya sa Simbahan ng Laodicea, papasukin mo ba Siya?” (Revelation 3:20)
Panalangin ng pagtanggap kay Hesus
“Banal na DIYOS Ama, ako ay makasalanan. Naniniwala ako na ang dugo sa krus ni Hesus ang kabayaran sa lahat ng aking kasalanan. Simula ngayon, si Hesus ang aking DIYOS at tagapagligtas. Ako ay ganap na anak ng DIYOS dahil kay Hesus.”
– Amen –
Did you pray to ask Jesus to be your Lord and Saviour?
Feel free to email us if you have other questions or need counseling support.
Amen at patuloy ngang Siya ay nangungusap
paano ko masisimulan kausapin ang lord?
paano ko malalaman kung ang panginoon ay nangungusap sa akin?