Category:

Ano Ba Difference ng Soul and Spirit?

Soul o “Kaluluwa”

Ang Soul o Kaluluwa ay diwa ng katawan sa mundo (consciousness or life). Kasama dito ang damdamin, pagiisip, mga desisyon sa buhay, maging ang pagnanais na magkasala. (Luke 12:26).

Kapag namatay ang isang tao, ang “Kaluluwa” ay nahihiwalag sa katawan at natutulog kasama ang kawan (Genesis 35:18Jeremiah 15:2). Ang kaluluwa at katawan ay muling mabubuhay sa “pangalawang pagkabuhay” upang humarap sa “Huling Hukom.”

Spirit o “Espiritu”

Ang Spirit o “Espiritu” ay diwa natin sa Panginooon. Ito ang koneksyon natin sa Panginoon, dahil ang Diyos ay Espiritu din. (John 4:24).

Ang Espiritu ng tao ay pwedeng “buhay” o “patay na espiritu.” Dahil sa kasalanan na ating minana, at dahil na rin sa sarili nating kasalanan, ang ating “Espiritu” ay patay. Dahil dito, hindi tayo makalalapit sa Panginoon, dahil siya ay Banal.

Subalit dahil sa pagbabayad ni Hesus sa LAHAT ng ating kasalanan, buhay ang “Espiritu” ng lahat ng tumanggap at naniniwala sa ginawa ni Hesus. (1 Corinthians 2:11; Hebrews 4:12; James 2:26)

Ano ang mangyayari sa “Kaluluwa” at “Espiritu” kapag namatay ang isang tao?

Ang “Kaluluwa” at ang “Espiritu” ay konektado, pero ito ay nahihiwalay din kapag namatay ang isang tao (Hebrews 4:12). Ang “Espiritu” ng isang “Born-Again Christian” o yung mga tumaggap at naniwala kay Hesus, ang Espiritu nila ay babalik sa Diyos sa araw ng kamatayan, at magkakaroon ng “buhay na walang hanggan.”

Ang “Espiritu” ng mga makasalanan at hindi naniwala kay Hesus ay haharap sa paglilitis, sa pangalawang pagbabalik ni Hesus.

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!