I Like Taking Control, Ikaw?

142
UP

Ako si Arvin, “A” for Anxious nung college

Marami akong goals in life. I make a list and set to finish it! Gusto ko maka-travel, may mga deadlines ako, at kung anu-anu pa. But of course, maraming bagay na out of our control.

Wow! Summa cum Laude… sana

When I was still studying in UP, pinangarap kong maging “summa cum laude,” at mag-Top-1 sa board. Pero hindi umaabot grades ko. Feeling ko, “I failed.” As a result, lalo ako nakaramdam ng anxiety hanggang sa nagkasakit na ako.

June 2016. Ito yung favorite version ko ng graduation picture ko dahil sinasalamin nito yung major lesson ko nung college: Do your best, but not at the expense of your sanity.

Pinipilit ko yung gusto ko

I prayed to God for wisdom. Natauhan ako at lumipat ng Business Ad course. Sa awa ng Diyos, mas naenjoy ko siya. I realized pinipilit ko yung gusto ko, iba naman pala yung plan ni God. Gusto ko kasi, I am in control.

Hindi tayo ang “in-control,” we have a Shepherd

I am helpless many times, kaya nung sinabi ni David na “The Lord is my Shepherd, I shall not want,” I am comforted that even if I am like a sheep that is helpless, I have a Shepherd whom I can count on for everything that I need.

God has it all figured out and everything is in His control.

Ngayon naman, naging-worried ako sa finances

Sino bang mag-aakala na ngayon dadating ang pandemic? Anxious na naman ako sa finances dahil sa COVID-19. The future is uncertain and that makes me anxious at times. Kahit anong preparation ang gawin ko, there will always be things that I cannot control.

Sure ako dito and I call it “by Faith”

I know God will provide for me – kailangan ko lang maging kontento and enjoy what He has given for now. No need to beg God for it, or try hard to earn it. I can be helpless over the things that I cannot control because God has it all figured out and everything is in His control. By faith, I know He will take care of my every need.

tinatama niya ang mali kong daan.

Faith is a choice. I have learned that when I let go of the control of my life, I am free to live out how God intends me to live.

Psalm 23 para sa akin

Ang DIYOS ay ang aking Pastol, wala akong hahanapin pa. Pinapa-relax niya ako sa kasaganahan, katabi ng tahimik na agusan. Ginagawa niyang sariwa ang aking diwa, at tinatama niya ang mali kong daan.

Miski ako ay nasa panganib, hindi ako matatakot sa anu paman, ang kanyang disiplina at gabay ay ang aking kapayapaan.

mentoring
counseling
Arvin "Troy" Lim believes that in freedom, there is a great responsibility. He finished his degree at the University of the Philippines, Diliman. After college, he became a full-time youth missionary at CRU. Since 2011, Troy has been involved in student evangelism.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here