Bakit kinaiinisan ang ibang Kristiyano?

2388
self-righteous

Limang maling ugali ng Christians na dapat baguhin

Madalas, kapag sinabing “Christian,” ito ay isang taong napaka-banal at halos hindi nagkakamali. Dito nagmumula ang problema, dahil walang perpektong tao. Sa school o sa trabaho, malimit, ganito ang pinapakita ng isang Kristiyano, sa totoo lang.

Mahalaga ba ang binyag o bautismo?

1. Parating tama at magaling

Nakalulungkot man, maraming Kristiyano ang “self-righteous.” Akala mo kung sino at miski sa kapwa-Kristiyano, mahilig makipagtalo. Ang puno’t dulo nito ay “pride.” Huwag parating magaling, dahil ang Diyos lamang ang parating tama. (Mark 10:18)

Ano ang tama? Bago pumuna ng kamalian ng iba, tumingin muna sa salamin.

2. Namimili ng kaibigan

Bagama’t tama na hindi sumama sa mga taong masama ang ginagawa, mismong si Hesus at mga apostol ay nakikihalubilo sa mga makasalanan, simpleng tao, at may sakit. Ginagawa nila ito upang maipakita ang pag-mamahal ng Panginoon. (Romans 12:16)

Ano ang tama? Huwag “feeling special,” ang utos ni Hesus ay iparating ang kanyang salita at pagmamahal, lalo na sa mga taong mas-nakabababa.

3. Mapamintas sa ibang relihiyon

Maraming “Christians” ang kung umasta, parang sila lang ang maliligtas. Ang pagpunta sa langit ay hindi dahil sa membership sa isang religion, subalit dahil sa ginawa ni Hesus (Ephesians 2:8-9). Imbis na pamimintas, ipag-pray mo na lang. (James 4:11-12)

Ano ang tama? Ibis na kamalian parati ang sabihin, ipagdasal mo na maliwanagan.

4. Mahilig makipag-debate

Ang pakikipagaway at debate ay nakakasama sa imahe ng pangkalahatang Kristiyano. Si Hesus ay iniiwasan ang “mabigat na pagtatalo” sapagkat wala itong magandang kahihinatnan. (Titus 3:9)

Ano ang tama? Imbitahin sa Bible Study ang ka-debate. Kapag ayaw, ipagdasal mo na lang, dahil si Lord ang may kakayanang magbago ng puso, hindi ikaw.

5. Bigkas parati ay “sabi ni Lord sa akin”

Minsan lang kumakausap ang Diyos sa tao, halimbawa ay kay Moses at sa “binyag” ni Hesus. Bagama’t maaaring mangyari ito, ang dating sa ibang tao, sayo lang nakikipagusap ang Panginoon pero hindi sa kanila. Ikaw na diba? Siguraduhin na hindi pagyayabang ang iyong intensyon sa pagsasabi nito. (John 16:13)

Ano ang tama? Kung excited ka na sabihin “Sabi ni Lord sa akin,” mas mainam na sabihin na “Pakiramdam ko, sinasabi sa akin ng Banal na Espiritu ito…” Kung ang narinig mo ay hindi naayon sa Biblia, siguradong hindi ito galing sa Panginoon.

Pitong klase ng Kristiyano:

Ako ay Kristiyano pero nagkakasala pa din – I need Jesus.
Ako ay Kristiyano pero madalas, judgemental – Sorry!
Ako ay Kristiyano pero minsan, mayabang – Senya na.
Ako ay Kristiyano pero hindi ako homophobic – Shocked lang!
Ako ay Kristiyano pero kailangan pa rin ng pagbabago.
Ako ay Kristiyano … Kaya ipapag-pray na lang kita.

BASAHIN:
Ano ang pagkakaiba ng Born-again Christian, Catholic, Christian, at Christian Religion?

counseling

1 COMMENT

  1. Kaya nga?? Bakit nga ba kinaiinisan ang mga Kristyano??
    dahil ba sa akala nila na lahat ng Kristyano ay maka Diyos talaga ???????
    wala lang interested lang itong topic!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here