Paano magiging masaya, miski bigo sa pagibig?
Maraming pangako ang Diyos, isa dito ay upang maging masaya at magkaroon ng masaganang buhay sabi ni Hesus (John 10:10). Subalit may gustong umagaw ng kasiyahan at pagpapala na ito. Madalas, kapag may problema tulad ng pagiging “broken hearted,” walang nagmamahal, nanliligaw, o “busted” sa panliligaw, inisip na katapusan na ng lahat at wala ng pagasa.
Tanging ang pagmamahal ni Hesus ang kayang magpuno ng lahat. Huwag hayaan ang kaaway na nakawin ang kaligayahan mo ng dahil sa tao.
→ Gusto mo ba mag-give up sa ministry?
1. Piliin maging masaya – choice yan
Ang “feelings or emotions” ay ayon sa puso, bagama’t malungkot ang iyong kalagayan, kung iisipin mo na masaya ka, kasama si Lord, pwede talaga. Tulad nila Corrie Ten Boom at Lou Zamperini, pinili nila ang maging maligaya miski nasa gitna sila ng kamatayan.
Huwag sa tao umasa ng “pagibig”
Kung hindi mo alam at ramdam ang pagmamahal ni Hesus, mahihirapan kang magmahal ng tunay. Madali kang malilinlang sa pagibig at masasaktan, dahil sa tao ka naka-depende.
→ Nais mang huwag ma-inlove, tadhana ang pipilit
Paano maiiwasan ang hinagpis sa pagibig?
1. Huwag pilitin ang hindi para sa iyo.
2. Maging magkaibigan muna, bago ang mag-ibigan.
3. Maghintay sa tamang panahon, hindi lang siya ang tao sa mundo.
2. Tamang pagiisip, huwag sa puso lamang
Ang sabi ni Apostol Pablo, kung ano man ang totoo, magiting, tama, puro, maganda, at kagiliw-giliw at dapat ipagpugay, isipin ang mga bagay na ito. Isipin ang magagandang bagay na ginawa sa iyo ng Diyos. Higit sa lahat, huwag mag-depende sa emosyon at puso, ito ay mapaglinlang (Jeremiah 17:9).
→ Depressed ako, help!