Buhay na binaluktot ng adiksyon, itinuwid ng Diyos patungo sa buhay na ganap

5
112

Habang lumalaki si Vernon, nabubuo sa kanyang kaisipan na tila walang atensyon sa kanya ang kanyang magulang. Ang ina ay OFW at ang ama ay malayo ang loob sa kanya. “Deprived ako of my mother’s presence, kaya pagaalis siya, grabe talaga yung lungkot ko,” sabi ni Vernon. Dahil dito hinanap ni niya ang atensyon sa pamamagitan ng barkada at fraternity. Masaya si Vernon kapag siya ay nasa labas ng bahay.

Hindi naglaon, nahumaling si Vernon sa droga, epekto ng masamang barkada. Sabi ni Vernon “I’m not belong to the group kapag hindi ako nag drugs, and I don’t want to be seperated sa kanilang company.” Tulad ng ibang drug addicts, para matustusan ang bisyo, nagnakaw at pumatol din sa mga bakla si Vernon, para magkapera pambili ng shabu.

Masamang pangitain

Lumala ang bisyo ni Vernon sa droga at ng minsan, tatlong araw syang walang tulog at ng humarap sa salamin ng kinaumagahan, ang mukha niya ay puro ugat, kahit wala naman talaga. Natakot si Vernon at lumabas ng bahay. Habang naglalakad, bigla syang napatakbo dahil sa pakiramdam na may humahabol. Wari’y nakatingin sa kanya ang lahat at alam ang kanyang pagkatao.

Pakiramdam ni Vernon, nababaliw na sya. Dahil dito, pumasok sa isip nya ang mag-suicide. “Kasi wala na, ang buhay ko ay patapon na, it’s better for me to die kaysa naman, ganito yung sitwasyon ko mababaliw ako,” ayon kay Vernon.

Nanalangin si Vernon

Si Vernon ay nanalangin, “Panginoon, alam ko marami akong kasalanan, alam ko na marami akong nagawang pagkakamali, tulungan mo lang po ako sa sitwasyon na ito, baguhin mo lang ang buhay ko at nangangako po akong maglilingkod sa inyo”.

Pagkatapos ng mataimtim na pagdarasal, napayapa ang kanyang kalooban. Natulog sya subalit pagka-gising, tila ganun pa din at walang pagbabago o pagasa ang kanyang nararamdaman. Pakiramdam ni Vernon ay wala na yatang pagasa.

Pinagtapat niya ang kanyang drug addiction sa kapatid. Bilang isang Born Again Christian, pinaliwanang ng kanyang kapatid na si Jesus lang ang maaring magpabago ng kanyang buhay. Nagbigay din ang kapatid ng bible at inimbitahan sa kanilang simbahan. Pagkatapos nilang magusap, tuwang tuwa si Vernon. Paguwi niya sa bahay, Vernon received Jesus as Lord and saviour through a simple prayer.

vernon onrubia

Ang bagong buhay ni Vernon

Nagbago ang buhay ni Vernon, naging masaya at puno ng pagasa. Nagdesisyon siya na huminto sa paninigarilyo, itinigil din niya ang pag-inom, sugal, at kinalimutan ang droga. Hindi nahirapan si Vernon sa pagbabago dahil sa gabay ng Panginoon.

Hope will not disappoint us, because hope is a person, and Jesus is my hope

Ang decisyon na ito ang nagdulot ng tuloy tuloy sa pagbabago sa kanyang buhay. “He is my everything, he is my satisfaction. Hope will not disappoint us, because hope is a person, and Jesus is my hope” (Romans 5:5) sabi ni Vernon.

Si Vernon ngayon ay active sa church planting activities sa Paco, Manila. Ginagamit niyang tool for Evangelism ang Scholarship Program at ALS (Alternative Learning System) para sa mga students na nabibigyan ng libreng tutorial sessions.

Ikaw ba ay may drug addiction problem? Ang hindi kaya ng tao, ay kaya sa pamamagitan ni Lord.

christian counseling philippines

5 COMMENTS

  1. Very touching and inspiring of your testimony
    kahit ako ay wala sa sitwasyon na ganyan ako ay muling nabuhayan at nagkaroon ng pag asa

  2. there are times in our life that we felt unloved, alone and unwanted. yung feeling na ikaw na lang yung mag isang lumalaban at walang ibang sagot kundi ang tumakas. yung feeling mo lahat ng tao tinalikuran ka pero si lord kahit isang segundo di ka iniwan. just talk to him, glorify him and trust him because in God’s presense lahat ng mabibigat gumagaan, lahat ng mahihirap nagiging madadali at lahat ng luha napapalitan ng ngiti.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here