Chinoy businessman nalugi sa negosyo, walang nagawa kundi ito

Ang pagbangon mula sa pagkalugi hanggang sa pag-asenso

0
74

Gustong kumawala sa family business

Si Charles ay isang Chinoy (half-Chinese, half-Pinoy) na lumaki sa isang traditional Filipino Chinese family. Likas sa kanya ang pagiging business minded. Negosyo ang parating laman ng pag-uusap ng pamilya. Pag gising pa lang sa umaga, alert mode na sila para sa pagbubukas ng tindahan nila ng tela sa Divisoria.

“Sa isang family business, di kalakihan ang suweldo. Minsan, TY (thank you), minsan kung kailangan mo lang ng pera, saka nila binibigay para sa pangangailangan mo. Walang fullfillment dahil it’s a family business and the profit goes to the family,” ayon kay Charles.

Bakit parang may kulang?

Tindahan – opisina, opisina – tindahan. Ganito ang takbo ng buhay ni Charles araw-araw. Pero parang may kulang. Feeling ni Charles, wala siyang sense of fulfillment.

Nangarap si Charles na maging successful businessman sa sariling sikap. Ayaw niyang umasa sa ibang tao. Di nagtagal, nakapagpundar siya ng sariling negosyo.

Pera ang naging Diyos

Nang nagbunga ang kanyang pinaghirapan, tuwang-tuwa siya sa perang nakikita at nahahawakan na matatawag niyang kanya. Sa pag-asenso, nakalimutan ni Charles na ang lahat ng ito ay galing kay Lord. Umikot ang mundo niya sa paggawa ng pera hanggang sa pera na mismo ang naging mundo at lord ni Charles.

Nakalimutan ni Charles na ang lahat ng ito ay galing kay Lord

Negosyo ang parating nasa isip ni Charles. Ito rin ang dahilan para siya ay mag-worry. Paano kung mahina ang benta? Saan kukuha ng pangsweldo? Paano mababayaran ang mga bills? Ito ang parating sumasagi sa isip niya, dahil naka-sentro ang buhay niya sa pera.

Walang tulugan – Walang pera

Ayaw ni Charles na masira ang pangalan niya kaya’t pilit niyang itinaguyod ang negosyo. Sa sobrang pag-alala, dilat na dilat ang mga mata niya tuwing gabi. Sleeping pills ang naging best friend niya sa pagtulog.

Nagulat na lang siya isang araw nang makita niya sa bank account niya na ubos na ang pondo para sa negosyo. Labas lang ng labas ang pera pero walang pumapasok. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Ubos na ang pondo para sa negosyo

Kunin mo na Lord ang negosyo ko
Sa puntong iyon, wala siyang ibang malapitan kundi ang Diyos. Lumuhod siya, nagdasal at nasabing, “Lord, kung gusto Ninyong kunin ang negosyo ko, okay lang. Pati ang heart ko, sa Iyo na ‘to. Surrender na ako na hindi ko talaga pwedeng maging diyos ang pera. Hindi ito pwedeng magpatakbo ng aking buhay. Ang solusyon ay Ikaw lang.”

Ang solusyon ay Ikaw lang

Unexpected opportunity
Narinig ng Diyos ang mga dasal ni Charles. Isang araw, may isang babaeng pumasok sa kanyang tindahan. Nagpakilala itong merong online shop at gusto nitong ibenta ang mga produkto ni Charles. Nagkasundo sila. Ito ang naging daan para makaahon si Charles. Sa pamamagitan lang ng isang event, nakabawi agad ang negosyo niya.

Tuloy-tuloy ang paglago ng fabric business niya. Nadadagdagan pa ang bilang ng mga tindahan niya sa malls. Nabiyayaan din siya ng isang mabuting asawa.

Malaki ang pasasalamat ni Charles sa Maykapal. Na-realize niya na may mas magandang plano si Lord para sa kanya. Dahil pinili niyang isuko ang lahat sa Panginoon, dumaloy ang mga blessings sa buhay niya. Higit sa lahat, meron na siyang walang kapantay na joy na dala ng pagkakilala niya sa Diyos.

May problema ka ba sa negosyo?

Payo ni Charles, “Wag kayong mawawalan ng pag-asa. Ang buhay ay pana-panahon lang.”
Ang mas mahalaga, patunay ang kwento ni Charles na hindi natin pwedeng paglingkuran nang sabay ang dalawang diyos. Kung uunahin natin ang Diyos, “ang lahat ng mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.” (Matthew 6:24-33)

christian counseling philippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here