Category:

Isang-Daan Salawikaing Filipino

Complete List of Filipino Salawikain

  • Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
  • Ako ang nagbayo, ako ang nagsaing, saka ng maluto’y iba ang kumain.
  • Anak na di paluhain, magulang ang paiiyakin.
  • And hindi marunong mag-ipon walang hinayang magtapon.
  • Ang anak kayang tiisin ang magulang ngunit ang magulang ay hindi kayang tiisin ang anak.
  • Ang anumang agwat ay di mararating,kung titingnan lamang at di lalakarin.
  • Ang araw bago sumikat nakikita muna’y banaag.
  • Ang ari ay sa sarili, ang puri ay sa marami.
  • Ang babaeng matimtiman, mahinhin sa daan, masipag sa bahay.
  • Ang babaeng palaingos, kadalasa’y haliparot.
  • Ang bahay mo man ay bato kung ang nakatira ay kuwago.
  • Mabuti pa ang isang kubo na ang nakatira ay tao.
  • Ang batang magalang ay dangal ng magulang.
  • Ang batang matigas ang ulo ay mahirap mapanuto.
  • Ang batas ay hindi na kailangan, sa mga taong hindi gumagawa ng kasalanan.
  • Ang bayaning nasusugatan, nagiibayo ang tapang.
  • Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
  • Ang dalagang salawahan ang sumpa ay biro lamang.
  • Ang dilag ay pagkain ng mata at kalungkutan ng kaluluwa.
  • Ang gawa sa pagkabata, dala hanggang pagtanda.
  • Ang halik na matunog sa dibdib ay hindi taos.
  • Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa paroroonan.
  • Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malangsang isda.
  • Ang hiram na wika ay saksi sa hiram na kalayaan.
  • Ang humahanap ng tubong malaki lagpas pa sa puhunan kung malugi.
  • Ang kabataan ay siyang pag-asa ng ating bayan.
  • Ang kabutihan ng ugali ay lalong higit sa salapi.
  • Ang kagandahang asal ay kaban ng yaman.
  • Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
  • Ang kahoy na naging baga pariktan ma’y madali na.
  • Ang kawayan kung tumubo langit na matayog ang itinuturo; Ngunit kung masunod na ang anyo, sa lupa rin ang yuko.
  • Ang lalaking may pera, hindi pangit sa mata ng minera.
  • Ang lihim ay hindi na lihim kapag may dalawa o higit nakakaalam.
  • Ang lumalakad ng matulin kung matinik ay malalim.
  • Ang mabigat ay gumagaan, kung pinagtutulungan.
  • Ang magalang na sagot, nakakapawi ng pagod.
  • Ang mag-asawang walang bunga, parang kahoy na walang sanga.
  • Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
  • Ang nagpapautang sa kaibigan ay kumikita ng kaaway.
  • Ang nagtanim ng hangin bagyo ang aanihin.
  • Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama nang maluwag.
  • Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.
  • Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan.
  • Ang taong di nasisiyahan mailap ang kaligayahan.
  • Ang taong nagigipit, kahit sa patalim kumakapit.
  • Ang taong sa mabuti nanggaling sumama man ay sadyang bubuti pa rin.
  • Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.
  • Ang taong walang pilak ay parang ibong walang pakpak.
  • Ang totoong paanyaya, may kasamang hila.
  • Ang tunay nakagandahan, sa loob nakikita.
  • Ang tunay na kaibigan nasusubok sa kagipitan.
  • Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw.
  • Ang walang pagod magtipon walang hinayang magtapon.
  • Ano man ang gawa at dali-dali ay hindi iigi ang pagkakayari.
  • Ano man ang gagawin, pitong beses iisipin.
  • Bago ka bumati ng sa ibang uling, uling mo muna ang iyong pahirin.
  • Buntong-hiningang malalim, malayo ang nararating.
  • Daig ng taong maagap ang taong masipag.
  • Di lahat ng kagalingan ay may dalang katamisan.
  • Di lahat ng kapaitan ay tanda ng kasamaan.
  • Habang maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
  • Habang may buhay, may pag-asa.
  • Hindi kilala ang bayani sa salita, kundi sa kaniyang kilos at gawa.
  • Hindi man magmana ng salapi magmana man lang ng mabuting ugali.
  • Huli man daw at magaling, naihahabol din.
  • Huwag kang magtiwala sa di mo kakilala.
  • Ikinatatalo sa alinmang digmaan ay ang guni-guning takot sa kalaban.
  • Kapag ang bata’y barumbado tumanda’y tarantado.
  • Kapag apaw na ang takalan, kailangan kalusan.
  • Kapag iniamba, kailangang itaga kapag itinutok, kailangang iputok.
  • Kapag may isinuksok may madudukot.
  • Kapag nagbukas ang kaban natutukso kahit ang banal.
  • Kung ano ang itinaas-taas, siyang binaba-baba sa pagbagsak.
  • Kung ano ang puno, siya ang bunga.
  • Kung anong taas ng paglipad, siya naming lalim ng pagbagsak.
  • Kung di ukol, di bubukol.
  • Kung ibig ng karunungan habang bata ay mag-aral, kung tumanday mag-aral man mahirap ng makaalam.
  • Kung may tinanim, may aanihin.
  • Kung ano ang itinanim, ay siyang aanihin.
  • Kung saan ang hilig duon mabubuwal.
  • Kung sino ang masalita ay siyang kulang sa gawa.
  • Kung sino ang nangangako ay siyang napapako.
  • Kung sino ang pumutak ay siyang nanganak.
  • Kung walang tiyaga, walang nilaga.
  • Kunwaring matapang, bagkus duwag naman.
  • Lahat ng iyong kakainin sa sariling pawis mo manggagaling.
  • Lumilipas ang kagandahan, ngunit hindi ang kabaitan.
  • Maaring pigilin ang baha ngunit hindi ang dila.
  • Mabigat man ang dalahin, pag naatang susunungin.
  • Mabisa ang pakiusap na malumanay kaysa utos na pabulyaw.
  • Mabuti pa ang nag-iisa kaysa may masamang kasama.
  • Madali ang maging tao ang mahirap ay ang magpakatao.
  • Magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising.
  • Maging mapagpatawad dahil ang Diyos ay mapagpatawad.
  • Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak.
  • Mainam na ang pipit na nasa kamay kaysa lawing lumilipad.
  • Malakas ang bulong kaysa sigaw.
  • Malaking puno, ngunit walang lilim.
  • Marami ang matapang sa bilang, ngunit ang buo ang loob ay kulang.
  • Mas malawak ang langit kaysa sa lupa, kaya mas maraming solusyon kaysa problema. Kaya’t huwag matakot dito sa mundo.
  • Matibay ang walis, palibhasa’y magkabigkis.
  • Nakikita ang butas ng karayom, hindi nakikita ang butas ng palakol.
  • Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
  • Pagbabayad sa lahat ng pagkakautang bago pumasok ang Bagong Taon.
  • Pagbubukas sa lahat ng bintana sa pagsapit ng ika-alas dose sa unang araw ng taon upang itaboy ang malas at pumasok ang suwerte.
  • Paghaba-haba man saw ng prusisyon sa simbahan din ang tuloy.
  • Paghahain ng mga bilugang prutas at iba pang bilugang pagkain sa mesa para suwertehin ang lahat ng miyembro ng pamilya sa buong taon.
  • Pag-iingay sa pamamagitan ng pagpapaputok, pagbubusina, pagpapatunog ng kampana para maitaboy ang mga masasamang espiritu.
  • Pagkain ng labindalawang ubas pagsapit ng ika-alas dose para suwertehin sa buong taon.
  • Paglalagay ng pera sa bulsa para raw laging may laman ito buong taon.
  • Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi.
  • Sa mabait na bata, marami ang natutuwa.
  • Sa may tunay na hiya ang salita ay panunumpa.
  • Sa taong walang takot, walang mataas na bakod.
  • Saan mang gubat ay may ahas.
  • Sinimulang gawain ay tapusin mo bago gumawa ng panibago.
  • Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga.
  • Walang ligaya sa lupa na hindi dinilig ng luha.
  • Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik.
  • Walang mahirap na gawa pag dinaan sa tiyaga.
  • Walang masamang pluma sa taong mabuting lumetra.
  • Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin.
  • Walang palayok na walang kasukat na tungtong.
  • Walang sumisira sa bakal kundi ang sariling kalawang.
  • Yaong mapag-alinlangan, madalas mapagiwanan.

RECOMMENDED ARTICLE:
Filipino values formation month.
National Bible Month.
Bring your Bible to School Philippines.

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here