Category:

Walang-hiyang asawa: Adik na, babaero pa!

The unbelievable story of a husband and wife

Droga, car-napping, rape, at shabu

Si Danny ay iniwan ng ama sa edad na siyam. Dahil dito, sya ay naging rebelde at nagsimulang manigarilyo, tumira ng cough syrup at nag-marijuana sa edad na labing-isa. Noong naging binata, nasangkot si Danny sa carnapping, pagnanakaw, pagpatay, at naakusahan ng “rape.”

Lumagay sa katahimikan, lalong lumala

Nakilala ni Danny ang kapit-bahay na si Dawn. Pareho nilang nagustuhan ang isa’t-isa at itinago ang relasyon sa mga magulang. Nabuntis si Dawn at napagkasunduan ng pamilya na mag-livein na lamang silang dalawa. Inakala ni Dawn na ito na ang pinakamasayang yugto ng kanyang buhay, subalit bababero pala si Danny.

Makalipas ang limang taon, ikinasal sila at dito nalaman ni Dawn na si Danny ay lulon sa Shabu. Lalong lumala at naging pabaya si Danny. Harap-harapan niyang niloloko ang asawang martir, subalit imbis na iwanan sya ng asawang si Dawn, pinagdasal nya si Danny araw-araw at araw-araw din pinakikita ni Dawn ang pagpapatawad.

Nakatagpo si Danny ng isang babae na kanyang kinahibangan. Pinilit nyang makipaghiwalay kay Dawn, ngunit hindi sya pumayag sa annulment. Pinili ni Danny na iwan ang mag-anak upang makasama ang kalaguyo.

Isang araw, dahil sa kagustuhan ni Danny na pakasalan ang kalaguyo, sya ay nakarinig ng boses (ng demonyo) na nagsabi “para wala kang problema, patayin mo na lang ang pamilya mo.”

Nalaman ni Dawn na si Danny ay lulon sa Shabu

Handang barilin ang mag-anak!

Isang gabi, umuwi sa kanyang mag-anak si Danny na lasing na lasing at may hawak na baril. Pinapasok nya ang mag-anak sa isang maliit na “tent” at inakala ng mga musmos na sila ay maglalaro lamang.

Munting anghel ang pumigil

Tinutukan nya ng baril ang mag-anak at walang nagawa si Dawn kung hindi pumikit at mag-dasal ng taimtim. Handa si Danny na tapusin ang lahat ng biglang humalakhak ang kanyang dalawang taon at mala-munting anghel na anak.

Napigilan si Danny at napahinto sa kanyang kahibangan. Subalit hindi dito nagtapos ang kalbaryo ng mag-anak.

Frustrated murder case

Isang hapon, babarilin sana niya ang kapitbahay gamit ang armalite dahil sa isang mainitang pagtatalo. Kinasuhan siya ng “frustrated homicide” ngunit dahil sa payo ng pulis na magtago, napilitan si Danny na bumalik sa kanyang tunay na asawa dahil may away sila ng kanyang live-in partner. Tinaggap ni Dawn si Danny at patuloy na pinadama ang pagmamahal ng isang asawa.

CCF Dawn Watch

Isang araw, nagulat si Dawn ng biglang sinabi ni Danny na gusto nyang sumama sa CCF Dawn Watch. Dito nangusap ang Panginoon sa kanya. Sinubukan nyang magdasal, at ang una nyang nasambit ay “kung totoo ka, tulungan mo ako, pagod na pagod na ako!” Biglang napaluhod at umiyak si Danny.

Humingi si Danny ng kapatawaran sa kanyang kasalanan. Natagpuan ni Danny ang pagpapatawad ng Diyos at pagpapalaya sa lahat ng kanyang mga kasalanan. Tinanggap niya si Hesus bilang sariling Tagapagligtas at Panginoon.

Kung totoo ka, tulungan mo ako, pagod na pagod na ako!

Simula nang araw na iyon, naging bago ang pagkatao ni Danny. Una nyang tinalikuran ang pagmumura at paninigarilyo. Si Danny ay nagsimulang magbasa ng bibliya at naging madasalin. Di nagtagal, si Danny ay naging tapat na asawa, mapagkalingang ama, masipag at mabait na lingkod ng Dios. Simula noong 2005, si Danny ay naging isang Pastor sa Christ Commission Fellowship.

Ikaw ba?

Ikaw ba ay nakaka-relate kay Danny at Dawn? Maaring hindi mo naranasan ang lahat ng kanyang pinagdaanan, subalit paano mangyayaring ang isang dating drug addict, isang preso, nakapatay sa edad na labing-pito, walang pakialam na ama sa edad na labing-walo, bayolente at walang kinikilalang batas, at isang mangangalunya na biglang naging lingkod ng Panginoon?

May pag-asa: Sa biyaya at habag lamang ng Diyos na natagpuan ng magasawa noong isinuko nila ang lahat sa Panginoong Hesus. Kung nais mo rin na isuko ang lahat, isang simple at mataim-tim na dasal ang iyong kailangan, si Hesus ay kumakatok sa iyong puso.

– Dasal-
“Hesus, tulungan mo akong magbago. Naniniwala ako na ikaw ang Anak ng Diyos na nagbuwis ng buhay bilang kabayaran sa aking mga kasalanan. Salamat sa kapatawaran na ipinagkaloob mo sa akin. Pumasok Ka sa aking puso. Tinatanggap kita bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Nais kong sumunod sa Iyo, baguhin mo ako, Amen”

Ikaw ba ay tumangap sa Panginoon? Maari mo kaming i-text o mag-send ng email kung kailangan mo ng tulong sa paglago sa Panginoon.

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!