Category:

Parent warning: Epekto ng violent cartoons na napapanood ng inyong anak sa YouTube

Violent cartoons that kids watch on YouTube

Mas tumitindi ang violence sa cartoons, madugo at savagely brutal! Walang puknat na barilan at saksakan. Mga scenes na hango sa thriller at zombie movies tulad ng pag-chop-chop ng katawan o pagngatngat ng mukha. Sobrang disturbing kahit sa adults.

Top 10 violent cartoons na dapat ipagbawal panoorin

Happy Tree Friends
South Park
Metalocalypse
Aeon Flux
Axe Cop
The Ren & Stimpy Show
Tom & Jerry
Robot Chicken
Mr. Pickles
Rick & Morty

Effects of violent cartoons that kids watch on YouTube

1. Desensitization (pagka-manhid)

Ito ay ang kalaunang kawalan ng empathy kaya di sensitive sa pinagdadaanan ng iba. Nagiging callous, detached at indifferent sila kahit nakikita nilang in pain and suffering ang iba. Nagiging “silent witnesses” sila sa violence sa paligid. Ni hindi nag-re-react. In short, walang paki: Walang pakiramdam, walang pakialam.

2. Negative perception of the world (Nag iiba ang tingin nila sa mundo)

Malupit. Mapanganib. Yan ang pwedeng ma-develop na view nila sa mundo. At pag yan ang namuo sa isipan nila, dalawang bagay ang pwedeng mangyari: Nagkakaroon sila ng takot o nagiging malupit din sila. Dadalhin na nila ito hanggang sa pagtanda.

3. Implusive, aggressive, destructive behaviour (Nagiging pasaway)

Hyperactive. Pabigla-bigla. Nagkakaroon ng violent streak. Palaaway. Andyan ang pang-bu-bully, pagsira ng laruan o ibang bagay, o pag-cause ng physical harm sa iba. Nandyan ang pananapak, panununtok o pangbubugbog habang lumalaki. Di malayong ma-develop sa kanila ang killer instinct. Minsan nga, may gamit pang armas. Di ba’t nakakarinig tayo ng ganyang mga balita involving minors? Nakakalungkot, pero may instances pa nga na ang biktima nila ay namamatay.

Ang effects ng violence on TV at cartoons ay long-term. Proven yan ng real-life scientific studies. Sinubaybayan ng group of researchers ang ilang batang nasa elementary school age who spent several hours a day watching TV. Lumabas na tumaas ang level ng aggressive behaviour nila pagtungtong sa teen years. Pagdating ng 30 years old, malaki ang probability na maaresto sila o makasuhan ng criminal acts bilang adults.

4. Stubbornness (Matigas ang ulo)

Pagbawalan mo sa isang bagay, iyon ang gagawin. Lalo silang nagiging pasaway at matigas ang ulo. Kahit may “Do not try this at home” warnings sa ibang shows, susubukan pa rin, di alintana na pwedeng ikapahamak nila ito. This is true lalo na sa mga boys. Sa ibang cases, they identify so much with the character to the point na kinokopya nila ang kilos, pananalita at mannerisms ng mga ito.

5. Stress & anxiety (Batang praning)

Sa murang edad, when confronted with themes that deal with death and survival, struggle ito para sa kanila, kasi beyond their ability to cope. Natural lang na ma-stress sila at maka-experience ng anxiety. Kapag hindi nila maintindihan ito at hindi nila masabi sa parents, pwedeng humantong sa depression. Malaking problema yan pag nagkataon.

Reference: Psychology Today


Isang babala

Magingat sa mga “fake cartoon videos”. Ito ay naglipana sa YouTube. Click here for BBC “The disturbing YouTube videos that are tricking children”.

→ Hoy bata huwag mong panoorin yan
→ What you can do to prevent kids from watching violent cartoons in YouTube

- Advertisement -

12 COMMENTS

  1. di ako makapaniwala na some of cartoon na nkalakihan ay may access ang demonyo kung saan minsan di natin namamalayan na after ntin mapanood is nagagawa natin in reality

  2. nakakagulat ang mga palabas akala mo nung una okay okay lang pero sa katotohanan pala binubulag tayo ng mga napapalabas .. oh no !! maraming mga kabataan at mga bata na dapt malamn angh katotohanan.. #kilosna!!!

  3. OH NO!! sa sobrang busy ko at walang tutok sa aking anak baka kunting sama o galit na nararamdaman nya sa akin ay baka patay na ako sa knyang kaisipan o baka namn may plano sya laban sa akin .,, ayoko dumating sa time na pinag babantaan na ako ng aking sariling anak sa kanyang kaisipan..
    NO TELEVISION! STOP A VIOLENCE CARTOONS!!!! hindi nakakatulong!!!!!!

  4. Its really shocking to see this kind of article and video. Too bloody and too brutal. That’s why their’s a lot of crimes that’s happening in this world. This generation doesn’t know whats happening and they need to be warned! May this article awaken a lot of youth and parents!

  5. KABATAAN, BATA O MATANDA !!
    SPECIALLY sa mga MATATANDA sa paningin ng mga bata tama ang mga gingawa kung nakikita nila sa mga nakakatanda sa kanila na tayo mismo ang nanonood ng mga ganitong palabas ! OMG wag kanang magtaka baka sa susunod sila naman ang manunuod ng mga bagay na pinapanood natin sa tingin nila ay tama..

    tayo ang maging GOOD EXAMPLE hindi yung DAMI MONG SABI
    HAHAHAHA ^^

  6. control sa lahat ng bagay
    tv, movies o ano pa man mas maigi talagang kasama namin ang magulang kesa kami lang ang na nanunuod kasi khit makulit kami di ibg sabhhin na hnd kami nakkinig. “)

  7. naku, naku! kaya may mga batang sadista na dahil sa mga napapanood nilang hindi tama at hindi nakakatulong sa kanilang pag iisip o behavior

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here