Category:

Ugaling Pinoy na may ugat sa Biblia, dapat tularan

Filipino values na dapat ituro sa mga kabataan na ang ugat ay mula sa salita ng Diyos

Bayanihan

Nagsimula ang bayanihan noong ang karamihan ng tahanan ay gawa sa “Bahay Kubo.” May mga pamilya na nais lumikas ng lugar dahil bahain o nais ng ibang tanawin. Upang hindi masayang ang bahay, ito ay maaring buhatin at ilipat sa ibang lugar.

Sa Biblia, mayroong 59 verses na may katagang “one another.” Tulad ng Bayanihan, mahalaga sa Panginoon ang pagsama-sama upang makatulong.

Damayan

Tulad ng Bayanihan, ang damayan ay maaring pairalin hindi lang sa mga kapit-bahay, kungdi sa mga kaibigan o sa paaralan. Ugaling tumulong sa katabi mo sa klase at kung may kaibigan na kailangan tulong, maging handa sa pagalalay.

Pareho sa konsepto ng “one another,” makikita natin ang damayan sa I Corinthians 12:25, kung saan pantay-pantay ang halaga ng bawa’t isa.

Magalang sa nakatatanda “Po at Opo”

Noong araw, ang pagmamano ay para sa matanda lamang. Ito ang pagpapakita ng pagalang at simbulo ng katalinuhan ng nakatatanda, na kung saan ang mas bata ay dapat sumunod at makinig. Kalaunan, dahil sa Misa de Gallo at araw ng Pasko, ang pagmamano ay naging tradisyon hindi lang sa mga matatanda kung hindi para sa mga ninong at ninang. Kalakip nito ay ang “aguinaldo.”

Noong mga 1990s, ang “mano po” ay napalitan ng “bless” dahil parang pangmatanda ito at ayaw ng mga nakababatang ninong at ninang. Kailangan maibalik ang salitang “mano po,” dahil ang ibig sabihin nito ay pagalang, hindi paghingi ng aguinaldo. Bagama’t walang ganito sa Biblia, mahalaga ang pagalang sa matatanda. (1 Peter 5:5)

Maka-Diyos, Maka-Tao

Ang ganitong ugali ay nakuha natin sa mga Kastila na siyang nagdala ng Kristiyanismo sa bansa. Dahil sa likas sa atin ang pagiging maka-tao, tinaggap natin sila, kasama ang kanilang “Diyos.” Di tulad ng ibang banyaga, ang mahalaga sa Pilipino ang takot sa Diyos at pagmamahal sa kapwa-tao.

Sinabi ni Hesus na ang pinakamahalaga niyang utos ay ang pagmamahal sa Diyos at sa tao. (Mark 12:30-31)

Masinop

Sabi nila, ang mga Ilokano ay kuripot at matipid. Pero ang totoo nyan, likas sa atin ang masinop, maabilidad. Kasama diyan ang mga Kapampanggan at mga Bisaya. Yun nga lang, dahil sa impluwensya ng “Hollywood,” ito ay nagbabago dahil nagiging “materialistic” ang karamihan sa kabataan. Kailangan natin na baguhin ang ganitong ugali at ibalik ang pagiging masinop.

Sa Biblia, paulit-ulit ang paalala na huwag maging sakim sa pera, bagkus ito ay gamitin upang tumulong sa iba. Ang pagiging masinop ay maari nating makita sa “parable of the talent” kung saan mahalaga sa Diyos ang pagiging masinop. (
Matthew 25:14–30)

Matiyaga

“Kapag walang tiyaga, walang nilaga.” Bagama’t sinasabi sa mga aklat na masisipag at matiyaga ang Pilipino, marahil hindi lahat. Alam natin ito dahil sa Alamat ni Juan Tamad. Dahil na rin siguro madaling ma-kontento ang mga Pinoy, karamihan ay hindi ganoong ka-tiyaga. Kailangan nating tularan ang mga bansang Japan, Korea, Singapore, at Malaysia na mas mahirap sa Pilipinas noong araw. Pero dahil sa tiyaga ng karamihan, umasenso ang kanilang bansa.

Matulungin

Ang pagiging matulungin ay likas sa Pilipino. Makikita natin ito sa maraming aklat, awitin, at ugali. Dahil dito, malapit ang bawa’t isa pati sa mga magkakapitbahay. Mahilig tumulong ang mga Pinoy, miski mahirap lang ang nakararami. Dahil na rin sa pagiging maka-Diyos, ang utos nya na maging matulungin ay tunay na sinusunod ng mga Pilipino.

Pakikisama

Sanay sa hirap ang mga Pilipino at dahil dito sanay din tayo na makisama kung sino man ang ating nakakasama, tarabaho, eskwela, o bahay man. Marahil ito ay dahil sa likas sa atin ang paggalang.

Palabra de Honor

Isa ito sa mga magagandang ugali na dapat natin panatiliin. Ito ay isang impluwensya ng mga Kastila. Likas sa kanila ang ganitong ugali, kaya’t masagana ang kanilang bansa. Mahalaga din sa Diyos ang Palabra de Honor, kung ano ang iyong pinangako, ito ay nakataga sa langit at lupa. (Matthew 18:18) 

Remedyo

Ang mga Pinoy ay madaling mag-adjust sa anumang bagay. Hindi tayo maselan at kung kayang gawan ng paraan. Sa mga maraming panahon ng kahirapan sa bansa, ang salitang “remedyo” ay mahalagang ugali. Sa Biblia, ang ganitong ugali ay halintulad sa ugaling kotento at pasasalamat sa ano mang meron ka. (1 Thessalonians 5:18)

Mga ugaling Pilipino na dapat iwasan

Bahala na
Utang na loob
Balat sibuyas
Colonial mentality
Filipino time
Ningas – cogon

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!