Category:

Hesus Song

Siya ay si “Hesus”

Madami ka bang kaibigan sa Facebook, madaming followers sa Instagram o Twitter? Pero sa dami nila, mabibilang mo sa mga daliri kung sino ang tunay na kaibigan. Yung iba, gusto lang ng maraming followers, at pag madami sila, mas-madami ang “Likes.”

Pero sa matinding pangangailangan, bihira ang tunay na kaibigan na malalapitan at tutulong sa iyo ng hindi ka huhusgahan. Minsan, ang inakala mong kaibigan magaling lang kung may pakinabang ka sa kanya. Si Hesus ang tunay na kaibigan at sandigan mo.

Tunay na kaibigan
Bagama’t hindi mo nakikita ng personal si Hesus, malalaman mo na siya ay isang tunay na kaibigan dahil mararamdaman mo ang kanyang pag-ibig. Tulad ng awitin, kung tatanggapin mo si Hesus na iyong tagapagligtas, Diyos, at kaibigan, kung nanaisin mo na baguhin ang isip mo sa kasalanan, siya ay kumakatok sa iyong puso – tanggapin mo siya.

“Kung nag-iisa at nalulumbay, dahil sa hirap mong tinataglay
Kung kailangan mo ng karamay, tumawag ka at siya’y naghihintay
Kung ang buhay mo ay walang sigla, laging takot at laging alala
Tanging kay Hesus makakaasa, Kaligtasa’y lubos at ligaya”

“Siya ang iyong kailangan, sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mo lagi at karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali”



“Hesus” Lyrics and Chords

Originally sung by the Papuri Singers, popularized by Alamid and Aegis Band. The video was transposed to D Minor and sung by Ms. Erica Rosales.

INTRO:
Gm – Gm+M7 – Gm7 – EbM7/E – EbM7 – D7sus – D7 (2x)

Gm Gm+M7 Gm7 EbM7/E – EbM7 D
Kung nag-iisa at nalulumbay, dahil sa hirap mong tinataglay

Gm Gm+M7 Gm7 EbM7/E EbM7 D
Kung kailangan mo ng karamay, tumawag ka at siya’y naghihintay

GM7 CM7 GM7 Dm G
Ref: Siya ang iyong kailangan, sandigan, kaibigan mo

CM7 Bm CM7 Bm
Siya ang araw mo lagi at karamay kung sawi

Am7 D7sus-D7 Gm – Gm+M7 – EbM7 – D7sus – D7
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Gm Gm+M7 Gm7 EbM7/E – EbM7 D
Kung ang buhay mo ay walang sigla, laging takot at laging alala

Gm Gm+M7 Gm7 EbM7/E – EbM7 D
Tanging kay Hesus makakaasa, Kaligtasa’y lubos at ligaya

Ref:
GM7 CM7 GM7 Dm7 G
Siya ang dapat tanggapin, at kilanlin sa buhay mo

CM7 Bm7 CM7 Bm7
Siya noon, bukas, ngayon sa dalangin mo tugon

Am7 D7sus-D7 G – G/F# – Em
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Em D C G – G/F# – Em
Kaya’t ang lagi mong pagkakatandaan

Em D C A7sus-A7 D7sus – D7
Siya lang ang may pag-ibig na tunay, (pag-ibig na tunay.. pag-ibig na tunay )

Ref:
GM7 CM7 GM7 Dm7 G
Siya ang dapat tanggapin, at kilanlin sa buhay mo

CM7 Bm7 CM7 Bm7
Siya noon, bukas, ngayon sa dalangin mo tugon

Am7 Bm7 E7sus – E7
Siya ay si Hesus, Siya ay si Hesus

Am7 D7sus – D7 C – Cm – G
Siya ay si Hesus, sa habang panahon!

- Advertisement -

5 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!