Huwag assuming sa pagibig: “Kung hindi ukol, hindi bubukol”
Hindi ka lalaya hangga’t hindi mo binibitawan ang iyong maling akala. Madalas kasi, tayo ay “assuming.” Halimbawa, ang taong gusto natin, iniisip natin na gusto din tayo yun pala—kaibigan lang ang tingin sa atin.
Hindi natin alam ang lahat ng bagay-bagay. Makasasama sa isang relasyon ang pagiging “assuming,” baka maudlot pa. Tandaan, kung hindi ukol, hindi bubukol. Hindi lahat ng gusto mo ay gusto ni Lord para sa iyo.
PROVERBS 19:21
Marami ang plano mo, pero si LORD pa din ang masusunod.
– DASAL –
“Banal na Espiritu, linawin mo ang aking mapusok na damdamin at tulungan mo ako na makita ang magagandang bagay sa isang tao. Alisin mo ang mga mapapait at maling pagiisip at palitan mo ito ng mga maka-Diyos na bagay.”