Category:

Depressed ka ba friend?

Depressed ako, help me!

Madalas ka ba ma-depressed, yun bang may pwedeng puntahan pero wala kang gana na parang ewan? Delikado yan friend, kasi kung madalas, baka it’s the worst kind called Anhedonia, when you’ve lost interest even from enjoyable things you used to do.

Minsan naman, feeling mo walang nagmamahal sayo. Miski alam mo na mahal ka ni God, parang nagiisa ka padin sa mundo. Actually, mayaman, sikat, maganda, o pogi ay nagiging depressed din.

Nagulantang ang marami ng nagpakamatay si Joseph Ubalde ng TV5. Si Nadine Lustre, na-depressed din dati at naisip niyang mag-suicide. Kaso, ang kapatid niya ang bumigay.

Sabi sa FB blog ni Isaiah, meron siyang “emptiness… this feeling that keeps coming back, can’t explain it...”

Bakit ba tayo nadedepressed?

Minsan malungkot tayo kasi “gusto ko ng mas magandang buhay, gusto ko ako ang maintindihan, gusto ko mahalin ako.

Napasin mo ba lahat nito ay may “AKO”? Madalas kasi ang nakikita lang natin ay ang ating sarili, hindi ibang bagay.

Lahat tayo mayroong pangangailangan at si God lang pwedeng magpuno nito, hindi tao, hindi gamit, o tarabaho. Darating din ang gusto mo sa buhay, kung uunahin mo si Lord. (Matthew 6:33)

Huwag parati nakatingin sa sarili

Madalas, nabubulag tayo sa sarili nating kahinaan. Nakakalimutan natin na may ibang mas-malaki pa ang pinagdadaan. Subukan mo i-compare ang problema mo sa mga ito:

Tumingin sa kalangitan, hindi sa baba. Ang saklolo ay nanggagaling sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa.

Paano magdasal?

Huwag kang magpaloko sa kaaway

Mayroon tayong kaaway na araw-araw naghahanap ng mabibiktima (1 Peter 5:8). Gusto niyang nakawan, patayin, at wasakin tayo dahil galit siya sa Diyos, at galit siya sa tao na nilikha sa imahe ng Diyos.

Pero hindi siya magtatagumpay kung tatawagin natin si Hesus na siyang nagaalok ng masaganang buhay (John 10:10).

Ang kaaway ay “ama ng kasinungalingan” (John 8:44), huwag makinig kapag sinabi niya na wala kang pagasa, dahil meron kung pipiliin mong maniwala kay Hesus.

Yan ang gusto ng kaaway, ang ma-depressed ka

Kapag bumigay ka, magiging kanya ka! Pero kung magtitiwala ka kay Hesus, hindi niya kayang agawin ka (John 10:28). In fact, takot ang mga demonyo kay Hesus (Matthew 8:29). Kaya pag feeling depressed…

Trust in the LORD with all your heart, lean not in your own understanding, in all your ways, acknowledge Him, and He will direct your path! (Proverbs 3:5-6)

– Aking Dasal-
“Banal na Diyos Ama, ako ay makasalanan. Naniniwala ako na ang iyong dugo sa krus ay siyang kabayaran sa lahat ng aking kasalanan. Si Hesus ang aking Diyos at tagapagligtas, at ako ay iyong anak na mayroong buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Hesus Kristo. Baguhin mo ang aking pagiisip. Bigyan mo ako ng saya at paniniwala. Kung ano man ang aking dapat gawin o baguhin, tulungan mo ako.

– Speak Life! –
“Masaya ako dahil si Hesus ang aking Panginoon at tagapagligtas!”

RECOMMENDED READING:
The root cause of depression is not what Psychiatrists would tell you
How to overcome depression according to the Bible.
FREE Counseling in the Philippines.
Bakit hindi mo sinasagot ang dasal ko Lord?
Maghanap ng support group upang may-kadamay ka.

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here