Ang makulay na buhay ni Jan Manual, patawa pero biguan sa pagibig

Patawang artista: Jan sya magaling!

Nagsimulang sumikat si Jan Manual noong sumali siya sa StarStruck 2006-2007. Doon nagsimula ang showbiz career niya. Naging isang sikat na komedyante na madalas nagbabakla-baklaan si Manual. Si Jan ay naging bahagi ng Bubble Gang, Pepito Manaloto, atbp TV roles.

Bagama’t nakilala si Jan Manual sa pagpapatawa, sa likod ng muka na ito ay mayroong makulay at magulong buhay.

Lumaki si Jan sa isang Kristiyanong pamilya ngunit hindi niya batid kung ano ba talaga ang kahulugan ng Kristiyanismo. “Kasi alam ko lang Christian ka, title lang yun na yun eh?” sabi nya sa video ng 700 Club Asia.

Hindi alam ni Jan ang tamang buhay ng isang tunay Kristiyano dahil naging kulang siya sa gabay. Isang seaman ang kanyang ama at hinanap ni Jan ang kalinga sa ibang tao.

“Naghanap ako ng father figure sa ibang tao at lalo na sa mas nakakatanda sa akin, lalo na sa fraternity na pinasukan ko, nakita ko sa kanila na OK dito, mapoprotektahan nila ako” sabi niya.

Jan Manual was part of several TV sitcom, portraying various roles such as the comedic role of a gay character in That’s My Amboy!
Si Jan Manual ay naging malaking bahagi sa pagsikat ng Bubble Gang. Kasali siya sa grupo simula 2013 – 2018.

Muntik ng ikamatay ang droga

Nasasangkot din sa rambol si Jan “dahil kasi pag may mga dayo, mga ibang tao at kabataan din, alam namin na bagong mukha, uupakan namin yan,” sabi niya. Naging magulo ang buhay ni Jan dahil sa maling barkada. Durog na durog ang buhay niya sa alak, paninigarilyo, at droga.

Ng minsan, na drug overdose si Jan at hindi kinaya ng kanyang katawan. One week siya sa ospital at sabi ng Doktor, dilated na ang pupil nya. Dalawa o tatlong araw ay hirap na hirap siya sa paghinga. Dito naisip ni Jan na magdasal.

Save God and I will serve you!

Sabi nya “God, i-save mo lang ako magse-serve ako sayo.” Sinagot ng Panginoon ang kanyang dasal at mabilis siyang gumaling at nakalabas ng ospital. Akala ng magulang ni Jan ay OK na siya. Dinala siya sa Ilo-ilo upang maiba ang mundo.

Dahil sa maling barkada, napabalik muli si Jan sa masasamang bisyo at naoverdose siya uli sa drugs. Hindi tinupad ni Jan ang kanyang pangako sa Panginoon.

Paulit-ulit lang ang magulong buhay ni Jan

Dinala si Jan sa Davao, pero nagpatuloy parin ang mga bisyo, tulad ng paginom. Paulit-ulit lang ang magulong buhay ni Jan.

Not all pains are pain. Not all break ups will break you. Your greatest no today might be your greatest yes in the future. Believe me, there is someone waiting for you down the aisle. You may not know yet, just be still. Never settle & give God the pen, wrote Jamey Manual, Jan’s bride. (PHOTO via Facebook when the couple married in July 2019)

Iligtas mo ako

Pagbalik sa Manila, nangako siya sa kanyang magulang na magbabago na siya. Nagdesisyon ang kanyang pamilya sa Amerika upang mag-umpisa ng bagong buhay. Makalipas ang isang taon, bumalik din sila sa Pilipinas.

Sumali si Jan sa StarStruck at ipinagdasal na manalo sya. Siya ay nanalo subalit ang blessing na nakuha ni Jan ay nagamit niya sa mali. Nalulon nanaman siya sa sugal at dito umikot ang kanyang mundo.

Gustong tapusin ang buhay

Nagka girlfriend si Jan na muntik na niyang pakasalan kaso, dahil sa udyok ng barkada, sinabihan siya na huwag munang magpakasal, sa halip ay magpakasawa muna sa pambababae. Nalaman ng girlfriend ni Jan, na nasa ibang bansa, ang kanyang pambababae.

Hindi na ito umuwi sa Pilipinas at naghiwalay sila. Dahil dito, nagtangkang magpakamatay si Jan.

“Tinutok ko yung baril ko sa bibig ko, biglang tumawag si Aljur (Abrenica). Pagtawag niya, umiyak na ako at nakatulog,” ayon kay Jan. Naging OK si Jan ng ilang buwan at pumasok muli sa isang relasyon.

Ang tunay na sikat

Muntik na muling magpakasal si Jan subalit nagkahiwalay din sila dahil sa magkaibang paniniwala.

Naisip ni Jan na tumatanda na siya at walang direksyon ang kanyang buhay.

Naisip ni Jan na kung siya mismo ay hindi kayang akayin ang sarili, papaano niya aakayin ang ibang tao.

Sabi niya sa Panginoon “rescue me.”

Makalipas ang ilang buwan, nagkita sila ng dating matalik na kaibigan. Nagulat siya ng biglang kinamusta ang kanyang Spiritual life. Pinagpray siya ng kaibigan at inimbitahan na sumali sa isang small (Bible) group.

Nakagawa muli si Jan ng hindi maganda, at dito niya naisip na kailangan na niyang sumali sa isang small group upang matugunan ang Spiritual niyang pangangailangan.

Gusto ko si God ang sikat sa buhay ko!

Hindi madali ang pagbabago at paglalakbay ni Jan sa kanyang pananampalataya. Subalit alam ni Jan na may plano sa kanya ang Panginoon. “Ang life verse ko ay Jeremiah 29:11, ang gusto ko si God ang sikat sa buhay ko!” ayon kay Jan.

Tunay at walang pinipili ang pagmamahal ng Panginoon. Ikaw, gusto mo rin bang makilala ang Panginoon? Sumali sa isang small group at hayaan si Hesus na maghari sa buhay mo!

DISCLAIMER: This article contains opinions, analysis, and reported events based on available information. Personal accounts reflect individual perspectives and have not been independently verified. No intent to defame any person or institution is implied. Readers should verify details through official sources.

Recently Updated

Why I Won’t Sing “What a Beautiful Name” (2016)

Why I No Longer Listen or Sing "What a...

This is What Fathers Do: Hold the Helm

This is What Fathers Do: Hold the Helm 1 Corinthians...

Nothing Compares With You (That I may gain Christ)

Nothing Compares With You (That I may gain Christ) Philippians...

Restore to Me the Joy of My Salvation

Restore to Me the Joy of My Salvation, Grant...

Commentary on John 15

Book of John Chapter 15: What is the meaning,...

Popular Topics

This is What Fathers Do: Hold the Helm

This is What Fathers Do: Hold the Helm 1 Corinthians...

Nothing Compares With You (That I may gain Christ)

Nothing Compares With You (That I may gain Christ) Philippians...

Restore to Me the Joy of My Salvation

Restore to Me the Joy of My Salvation, Grant...

Commentary on John 15

Book of John Chapter 15: What is the meaning,...

Florida Villages HOA Fines Wayne Anderson for Cross in Lawn

War on the Cross: Florida Villages HOA Fines Wayne...

What Happens When the Third Temple Is Rebuilt? According to Mark 13

Abomination of Desolation, the Anti-Christ, and Tribulation - According...

Why the Caliphate Will Fail

Why the Caliphate Will Fail—God Stands with the Elect...
spot_img

Related Articles

Popular Categories

spot_img