Ang makulay na buhay ni Jan Manual, patawa pero biguan sa pagibig

10
158

Jan sya magaling

Si Jan Manual ay kilala sa pagpapatawa subalit sa likod ay mayroong makulay na buhay. Lumaki si Jan sa isang Kristiyanong pamilya ngunit hindi niya batid kung ano ba talaga ang kahulugan ng Kristiyanismo. “Kasi alam ko lang Christian ka, title lang yun na yun eh?” sabi nya.

Hindi alam ni Jan ang tamang buhay ng isang tunay Kristiyano dahil naging kulang siya sa gabay. Isang seaman ang kanyang ama at hinanap ni Jan ang kalinga sa ibang tao. “Naghanap ako ng father figure sa ibang tao at lalo na sa mas nakakatanda sa akin, lalo na sa fraternity na pinasukan ko, nakita ko sa kanila na OK dito, mapoprotektahan nila ako” sabi niya.

Muntik ng ikamatay ang droga

Nasasangkot din sa rambol si Jan “dahil kasi pag may mga dayo, mga ibang tao at kabataan din, alam namin na bagong mukha, uupakan namin yan,” sabi niya. Naging magulo ang buhay ni Jan dahil sa maling barkada. Durog na durog ang buhay niya sa alak, paninigarilyo, at droga. Ng minsan, na drug overdose si Jan at hindi kinaya ng kanyang katawan. One week siya sa ospital at sabi ng Doktor, dilated na ang pupil nya. Dalawa o tatlong araw ay hirap na hirap siya sa paghinga. Dito naisip ni Jan na magdasal.

Sabi nya “God, i-save mo lang ako magse-serve ako sayo.” Sinagot ng Panginoon ang kanyang dasal at mabilis siyang gumaling at nakalabas ng ospital. Akala ng magulang ni Jan ay OK na siya. Dinala siya sa Ilo-ilo upang maiba ang mundo. Dahil sa maling barkada, napabalik muli si Jan sa masasamang bisyo at naoverdose siya uli sa drugs. Hindi tinupad ni Jan ang kanyang pangako sa Panginoon.

Paulit-ulit lang ang magulong buhay ni Jan

Dinala si Jan sa Davao, pero nagpatuloy parin ang mga bisyo, tulad ng paginom. Paulit-ulit lang ang magulong buhay ni Jan.

Iligtas mo ako

Pagbalik sa Manila, nangako siya sa kanyang magulang na magbabago na siya. Nagdesisyon ang kanyang pamilya sa Amerika upang mag-umpisa ng bagong buhay. Makalipas ang isang taon, bumalik din sila sa Pilipinas.

Sumali si Jan sa StarStruck at ipinagdasal na manalo sya. Siya ay nanalo subalit ang blessing na nakuha ni Jan ay nagamit niya sa mali. Nalulon nanaman siya sa sugal at dito umikot ang kanyang mundo.

Gustong tapusin ang buhay

Nagka girlfriend si Jan na muntik na niyang pakasalan kaso, dahil sa udyok ng barkada, sinabihan siya na huwag munang magpakasal, sa halip ay magpakasawa muna sa pambababae. Nalaman ng girlfriend ni Jan, na nasa ibang bansa, ang kanyang pambababae. Hindi na ito umuwi sa Pilipinas at naghiwalay sila. Dahil dito, nagtangkang magpakamatay si Jan.

“Tinutok ko yung baril ko sa bibig ko, biglang tumawag si Aljur (Abrenica). Pagtawag niya, umiyak na ako at nakatulog,” ayon kay Jan. Naging OK si Jan ng ilang buwan at pumasok muli sa isang relasyon.

Ang tunay na sikat

Muntik na muling magpakasal si Jan subalit nagkahiwalay din sila dahil sa magkaibang paniniwala. Naisip ni Jan na tumatanda na siya at walang direksyon ang kanyang buhay.

Naisip ni Jan na kung siya mismo ay hindi kayang akayin ang sarili, papaano niya aakayin ang ibang tao. Sabi niya sa Panginoon “rescue me.”

Makalipas ang ilang buwan, nagkita sila ng dating matalik na kaibigan. Nagulat siya ng biglang kinamusta ang kanyang Spiritual life. Pinagpray siya ng kaibigan at inimbitahan na sumali sa isang small (Bible) group.

Nakagawa muli si Jan ng hindi maganda, at dito niya naisip na kailangan na niyang sumali sa isang small group upang matugunan ang Spiritual niyang pangangailangan.

Gusto ko si God ang sikat sa buhay ko!

Hindi madali ang pagbabago at paglalakbay ni Jan sa kanyang pananampalataya. Subalit alam ni Jan na may plano sa kanya ang Panginoon. “Ang life verse ko ay Jeremiah 29:11, ang gusto ko si God ang sikat sa buhay ko!” ayon kay Jan.

Tunay at walang pinipili ang pagmamahal ng Panginoon. Ikaw, gusto mo rin bang makilala ang Panginoon? Sumali sa isang small group at hayaan si Hesus na maghari sa buhay mo!

christian counseling philippines
SHARE
Previous articleLATC – Crossroads Curriculum
Next articlePagpapatawad, madali bang gawin?

John15.Rocks is an online project that promotes values formation through social media and the J15 School Club. We provide an avenue of support to those who have emotional or moral struggles.

10 COMMENTS

  1. ni minsan ang Lord ay di tayo tinalikuran .. isang buhay na patotoo ang nag bibigay ng pag-asa sa bwat tao na wla ng pag-asa ..
    Godbless everyone

  2. jan manuel ay isang napaka gwapo at na nakakatuwang tao isa sa mga nag papagaan ng loob ng mga tao na nanonood sa knya.. ๐Ÿ™‚
    hnd ko lubos na maisip na dumaan pala sya sa ganyang pagsubok! isa kang magandang halimbawa sa mga taong gusto ka pa makilala!

  3. hindi mo kinakahiya kung ano ang mga nakaraan, isa kang aktor na ang hinahangad mo ngayun is ang kasikatan ng Lord at ang hindi ang iyong sarili!

  4. famous ba ang kailangan sa buhay? HINDI IKAW, AKO o SINO MAN na naandto sa mundo. KUNDI SI JESUS na kung saan binigay niya ang kanyang buhay para sa ating lahat

  5. Diyos lamang ang mag papabago sa ating buhay hindi ang ibang tao para diktahan ka., tulungan natin ang Diyos pAra sa ating buhay issurender ang lahat lahat sapagkat walang lingid sa Diyos!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here