Category:

May plano si LORD, wait ka lang

Bunga ng pagiging pasaway, kailangan maghintay

Sinakop at dinala sa Babylonia ang mga Hudyo noong 597 BC. Ito ay resulta ng kanilang hindi pagsunod sa Diyos. Hinayan silang masakop. Bagama’t malungkot ang nangyari, ang mensahe ng Panginoon na sinulat ni Jeremiah ay maari natin angkinin bilang pagasa.

Jeremiah 29:11
Alam ko ang mga plano para sa iyo, saad ng Diyos.
Plano na maging masagana at hindi mapahamak.
Plano na bigyan ka ng pagasa at kinabukasan.

At ako ay tatawagin mo,
lalapit at tatawag sa akin,
at ako ay makikinig sa iyo.

Pangakong maayos sa tamang panahon

Dahil sa nangyari, kailangang maghintay ng 70-taon ang mga Hudyo bago makabalik. Ang lahat ng bagay ay may bunga (consequences). Miski mahal tayo ng Diyos, kailangan natin danasin ang bunga ng maling hakbang. Sa tamang panahon, ang lahat ay magiging maayos din.

– Dasal –
“Panginoon, ako ay nagpapakumbaba. Salamat sa kapatawaran na aking taglay dahil kay Hesus. Tulungan mo ako Hesus na maghintay, manampalataya, at ituwid ang naging pagkakamali. Salamat sa iyong gabay.”

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!