Jessa Catle Testimony: Walang Paa at Kamay, pero naninidigan sa pagmamahal ng Panginong Hesus
Si Jessa Catle ay isang Kristiyano na mayroong Amelia syndrome. Siya ay walang braso, kamay, at binti subalit kaya niyang gawin ang mga ginagawa ng mga ibang tao, tulad ng kumain, maligo, at magbihis ng mag-isa. Kaya rin niyang tumugtog ng musika, gumamit ng computer, at sumakay ng Jeep na mag-isa.
Sinumpa, panget, walang silbi, walang mararating sa buhay, pabigat, walang magmamahal, creepy; ilan lang yan sa mga tingin ng ibang tao at maging ang sarili ko sa isang katulad ko na may kapansanan.
At dahil dito bumaba ang kumpyansa niya sa aking sarili, nawalan si Jessa ng tiwala at maging pag-asa sa buhay na siya ay makakapamuhay ng normal katulad ng mga may kamay at paa.
ANO GAGAWIN PARA HINDI MA-DEPRESSED?
Sabi ni Jessa:
“Dumating din ako sa punto na napapatanong nalang ako na “Bakit sa dinami-rami ng tao sa mundo ay ako pa ang binigyan ng ganitong kalagayan sa buhay? Ano ang silbi o purpose ng isang katulad ko? May mararating ba ang isang tulad ko sa buhay? Paano ko magagamit ang buhay ko sa paglilingkod sa Panginoon kung kulang ako?”
Salamat sa Panginoon dahil sa mga oras ng aking kalungkutan, kakulangan, kalituan at kabiguan nariyan Siya upang aking maging kalakasan, kapayapaan, kasagutan, at pag-asa.
Sabi ni Jessa:
Noong November 26, 2006, pinutol at binigyang kasagutan ng Diyos ang lahat ng aking mga katanungan. Pinawi Niya ang lahat ng aking kalungkutan, binigyan Niya muli ako ng pag-asa at higit sa lahat pinakita Niya sa akin na may purpose Siya kaya ako ang napili Niya na magkaroon ng ganitong kalagayan sa buhay.
Muling ipinaalala sa akin ng Diyos na Siya lamang makapupuno sa lahat ng mga kakulangan na aking nararamdaman. Sabi ni Jesus sa Jeremiah 29:11 “For I know the plans I have for you, says the LORD. Plans to prosper you and not to harm you; plans to give you hope and a future..”

Sapat na si Hesus, higit pa sa lahat
God made me realize na hindi ako binigyan ni Lord ng pagsubok sa buhay para saktan ako. Sa kabila ng kapangitan outside appearance sa paningin ng maraming tao, may magandang plano si Lord behind that. At merong hope and may magandang future na inihanda si Lord.
Sabi ni Jessa:
Hindi ko na kailangan ang magkaroon ng kamay at paa para magamit ako ng Panginoon someday. Jesus is more than enough reason and all that I need para magkaroon ng halaga, saysay, silbi and meaning ang buhay ko. Upang maging kalakasan din ako ng iba.
Psalm 139:14-16
You created my inmost being; you knit me together in my mother’s womb. I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful;
I know that full well. My frame was not hidden from you when I was made in the secret place when I was woven together in the depths of the earth.
Your eyes saw my unformed body; all the days ordained for me were written in your book before one of them came to be.