Jocel Maulana, dating drug pusher, mama-san, at gay dancer, naging Christian
Gusto ng lola ni Jocel na babae sana ang panganay na apo. Dahil isa siyang lalaki, paminsan-minsan, binibihisan si Jocel ng damit na pambabae. Sa mga okasyon ng Muslim, pinapasayaw ng Muslim dance si Jocel. Dahil na rin sa kanyang duda sa sarili, tinanggap niya na isa siyang pusong babae sa katawan ng lalaki.
Nagladlad ng tuluyan
Dahil gusto ni Jocel na sundin ang kanyang ama na maging isang lalaki, pinakilala ng kanyang ama ang babae na pina-pares sa kanya. Subalit nadismaya siya ng malaman niya na ito ay isang kamag-anak at nagbago ng isip sa pagiging lalaki.
Mahirap ang buhay sa probinsya at nakipagsapalaran siya sa Maynila. Dito naging malaya si Jocel at nagladlad ng tuluyan. Uminom ng pills, nagpalaki ng dibdib at nagsimulang mamuhay na babae sa pangalang Joy.
→ Teen transgender Emily Tressa setting a tragic precedent.
Unti-unting kinakain ng droga ang buhay
Nagtarabaho siya bilang ‘cook’ pero maliit ang kita kaya pumasok siya bilang ‘drug-pusher’ sa isang sindikato. Di nagtagal, nalulon din siya sa droga habang naging ‘Mama-san’ para lang makabili ng droga. Naging dancer din siya sa isang gay bar at kung sino-sino ang kanyang naka-sex. “Doon ko nakita na unti-unti yung buhay ko kinakain ng droga”.
Pagdating ng Friday, lalaki ako
Tuloy pa din ang kanyang pag-samba dahil ito ang kinagisnan. “Pagdating ng Friday, putol ang dress ko, lalaki na naman ang aura ko, papasok ako sa Mosque, back to zero ako. Dito yung sinasabi na magbawas ng kasalanan at magdagdag ng kasalanan,” ito ang depensa niya sa kanyang malaswang buhay, na bawal na bawal sa isang Muslim.
→ Donnie Lama story, forced to convert to Islam.
Pagdating ng Friday, putol ang dress ko, lalaki na naman ang aura ko!
Tumibok ang puso sa isang babae
Nagtarabo si Jocel sa isang Salon at lahat ng boss niya ay Christian. Dito niya nakilala si Hesus ng unti-unti.
Hindi maintindihan ni Jocel pero dito rin nagsimula ang iba niyang paniniwala sa buhay at sa hindi sinasadyang pagkakataon, tumibok ang puso ni Jocel sa isang babae. Nagsimula sa kwentuhan, paglabas-labas at di nagtagal ay naging sila ni Lorgie.
→ Amie Galvez: Dating lesbian, nagbagong buhay
Masakit man ito kay Jocel, unti-unti niyang ginugupit ang mahabang buhok at muling nag-astang lalaki, para lamang kay Lorgie.
Tinalikuran niya ang dating pagiging-transgender at sila ay kinasal. Sa umpisa ay masaya subalit dahil sa lulong pa din si Jocel sa droga, parati siyang walang naiuuwing pera.
→ Transgender Mark Estephen gave up everything.
Dahil sa dasal
Imbis na hiwalayan ni Lorgie si Jocel, siya ay nag-babad sa panalangin. Hindi siya sumuko. Sa tuwing umuuwi si Jocel sa Ama, siya ay nagpapaalam kung pwede siyang mag-Bible study, bagama’t sila ay isang Muslim. “Sige anak, kung diyan ka babaguhin, ipagpatuloy mo,” tugon ng Ama.
Nag-babad sa panalangin. Hindi siya sumuko.
Naging ganap ang pagbabago at pagtalikod ni Jocel sa kanyang nakaraan at patuloy niyang sinuko ang kanyang buhay sa Panginoon. Ngayon, siya ay nagbabahagi ng pag-ibig ng Diyos sa kanyang pamilya at maging sa mga taong nakasaksi sa buhay niya noon at ngayon.
Kay Kristo nakita ni Jocel ang tunay na pag-ibig ng Diyos. “Dun ko din naranasan yung totoong pag-mamahal na sinasabi niya. Kung ang Panginoon nga ay nag-sacrifice para sa kasalanan ko, what more ako, hindi ko ba kayang ibigay ang buhay na binigay niya sa akin?”.
Sa mga katulad ko
“Katulad ko na binago ng Diyos, huwag kayong mang hinayang lumapit sa kanya. Kasi kahit gaano man kalaki ang kasalanan mo ay handa siyang mag patawad,” ayon kay Jocel.