Category:

Walong Pamantayan ng Isang Pastor

Walong natatanging kwalipikasyon at pamantayan ng isang gustong maging pastor, ayon sa 1 Timoteo 3:1-13

1. Ang pagiging pastor ay may dangal

Ang gustong maging tagapaglinkod sa simbahan, lalo na ang pagiging ministro, pastor, o pari, ay isang kagalang-galang na position. Ito ang dahilan kung bakit hindi madaling maging punong-tagapaglinkod, mataas ang dangal na hinihingi.

Honorable position: This is a trustworthy saying: “If someone aspires to be a church leader, he desires an honorable position.”

2. Tapat sa kanyang nagiisang asawa

May nagiisang asawa na tunay at tapat ang pagsasama. Kasama dito ang may malinis na pagiisip at hindi lumilingon o tumitingin sa mga malalaswang larawan.

Above reproach: So a church leader must be a man whose life is above reproach. He must be faithful to his wife.

3. Magandang reputasyon sa labas ng bahay

Ang isang tagapaglingkod ay dapat mapagtimpi at may mabuting reputasyon. Dahil dito, maraming magagandang bagay ang puna ng kanyang kapitbahay. Mahilig siyang magimbita ng mga tao sa kanyang bahay upang turuan sila ng salita ng Diyos.

Good reputation: He must exercise self-control, live wisely and have a good reputation. He must enjoy having guests in his home, and he must be able to teach.

4. Siya ay mahinahon sa gawa at salita

Hindi dapat lasingero o palaaway ang isang puno o pastor ng simbahan.

Gentle person: He must not be a heavy drinker or be violent. He must be gentle, not quarrelsome, and not love money.

5. Magalang ang kanyang mga anak

Bilang isang ama, ang pastor ay dapat ginagalang at sinusunod ng kanyang mga anak.

His children respect & obey him: He must manage his own family well, having children who respect and obey him.

6. Maganda ang pamamalakad sa pamilya

Disiplinado ang kanyang mga anak at natutugon ang mga pangangailangan ng pamilya, tulad ng maayos na tahanan at pagkain sa pangaraw-araw.

Manages his household well: For if a man cannot manage his own household, how can he take care of God’s church?

7. Matagal na sa pananampalataya

Dapat mapatunayan na ang pananampalatayang taglay ay tunay. Matagal at subok na ang pagiging matinong kristiyano.

Seasoned believer: A church leader must not be a new believer, because he might become proud, and the devil would cause him to fall.

8. Magandang reputasyon sa labas ng simbahan

Tulad ng subok at matatag na pananampalataya, kasama dito ang may magandang reputasyon, hindi lang sa mga kaibigan o myembro ng simbahan, kungdi sa ibang tao na hindi sakop ng simbahan.

Good reputation: Also, people outside the church must speak well of him so that he will not be disgraced and fall into the devil’s trap.

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!