The Amie Galvez story
Maagang namulat si Amie sa pagtatrabaho dahil sa hirap sa buhay. Hindi siya naging malapit sa mga magulang, dahil busy sila sa pagtitinda. Nagkulang sa atensyon si Amie at lumaki na siya ang nasusunod at dumidiskarte sa sariling buhay.
Naging tigasin siya dahil kailangan niyang maging independent. Nadala niya ang ganitong ugali at naging apektado ang pakiki-tungo sa ibang tao. Naniwala si Amie na nilikha siya ng Diyos na isang lesbian at tuluyang nakipag-relasyon sa kapwa babae.
Inakala niyang masaya siya, pero lalong napasama ang buhay ni Amie. Magastos ang ganitong relasyon dahil kailangan niyang magpa ‘impress’ parati. Nakatikim din siya ng iba’t ibang masasamang bisyo na lalong naglulon sa kanyang makamundong buhay.
Living with HIV: A blind man who can see
Ayoko ng maging Tomboy
Alam ni Amie na may mali sa mga ginagawa niya, pero nagkunwari siyang masaya. Hindi nagtagal ang kanilang gay-lesbian-relationship at napilitan siyang magtarabaho sa ibang bansa, dahil na rin sa mga utang na kailangang bayaran. Nagtrabaho bilang Driver sa UAE si Amie at lalong lumalim ang pakikipag relasyon niya sa kapwa babae.
Isang kaibigan ang nagbahagi ng salita ng Diyos sa kanya at doon nabuksan ang kanyang mga mata sa katotohanan. Naintindihan niya ang disenyo ng Panginoon sa isang relasyon, at ang pagmamahal ni Hesus sa tulad niya. Nag-desisyon is Amie na talikuran ang pagiging tomboy at iwan ang kinakasama. Pagod na rin siya sa kakapilit sa mga bagay na hindi naman talaga siya maligaya.
Rape story of Joy Tan Chi Mendoza
Pagsubok na breast cancer
Makalipas ang ilang buwan, nagkaroon ng pagsubok si Amie. Nagkaroon siya ng pneumonia at nalaman na may breast cancer. “Ano man ang mangyari sa akin, hindi ako dapat matakot dahil alam ko kung ano ang pupuntahan ko,” sa isip niya. Dahil sa pinili niyang sumunod sa Diyos, alam niya na hindi siya pababayan (Hebrews 13:5). Alam niya na ang mga pangyayari ay isang pagsubok sa kanyang pananampalataya. (Proverbs 3:4-6)
Vins Santiago: First transgender of the Philippines
Nagkaroon si Amie ng mga kaibigang Kristiyano at sumali sa mga gawain para sa Panginoon. Dahil sa kanyang condition, marami ang nagdasal at narinig ng Diyos ang kanyang hinain. Nagmilagro ang Panginoon at gumaling siya sa sakit na cancer. Malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigang ipinadala ng Panginoon sa kanya.
Sa kasalukuyan, nananatiling OFW si Amy sa bansang UAE. Masigasig siya sa pagsunod at paglilingkod sa Diyos bunga ng himala at pagbabago ng kanyang pananaw bilang lesbian. Pinanghahawakan ni Amie ang 2 Corinthians 5:17, ‘The old has gone the new has come.’ May ‘bagong Amie’ sa mata ng Diyos, at nagpapasalamat siya sa ginawa ni Hesus sa kanyang buhay.
Teenage transgender minor Emily Tressa setting a tragic precedent.