Category:

Bakit hindi mo sinasagot ang mga dasal ko?

Naririnig ba ng Diyos ang dasal ko?

Ang Diyos ang lumikha ng dasal upang maging katugon niya tayo (Revelation 3:20), upang tayo ay makapag-kumpisal (1 John 1:9), upang tayo ay makahingi ng tulong (Psalm 50:15), at upang magsang-ayon ang kanyang kagustuhan sa ating buhay (Jeremiah 29:11–12; Luke 22:42).

Samakatuwid, nariring niya ang lahat ng dasal, mula sa tahimik na iyak, hanggang sa nagmamakaawang dalangin. Alam niya ang iyong dasal (Psalm 139:1–4) at kontrolado niya ang lahat bagay (Isaiah 46:9–11), pero bakit tila hindi ka niya naririnig?

1. Makasarili ang iyong hiling

Ang mga hiling na makasarili, paghihiganti, at para sa mga bagay na makamundo ay hindi niya ibibigay (James 4:3). Madalas, materyal na mga bagay ang ating hiling. Bagama’t hindi naman masama ang humiling ng mga materyal na bagay, kung hindi ito makabubuti, hindi binibigay ng Diyos ang mga bagay na magpapahamak sa atin. Ang Diyos ay hindi isang “genie” na taga-tugon ng lahat ng ating hiling, bagama’t gusto niyang ibigay sa atin ang gusto ng ating puso, kung tunay natin siyang pinagpupugay. (Hebrews 4:13-15)

→ Powerful Bible verses for sexual purity.

2. Ikaw ay may kasalanang tinatago at ayaw bitawan

Ang Diyos ay banal at wala tayong maitatago sa kanya (Hebrews 4:13-15). Didinggin niya ang taong mapagkumbaba pero hindi niya pinakikinggan ang ayaw bitawan ang malagim na kasalanan (Isaiah 1:15). Ang Panginoon ay handang magpatawad sa tunay na gusto ng pagbabago (1 John 1:9). Kung nahihirapan ka na magbagong buhay, si Hesus ang tanging may lakas upang tulungan ka. (Philippians 4:13)

→ Paano malalaman kung Diyos ang nagsasalita?

3. Ang iyong hiling ay hindi ayon sa paghubog niya sayo

Kadalasan, ang ating dasal ay hindi tinutugunan ng Diyos kung hindi ito makabubuti. Hindi niya binibigyan ng solusyon ang isang problema hangga’t hindi tayo natututo o nahuhubog ng ayon sa tingin niya (Hebrews 10:36). Pero ang lahat ay may hanganan din, at ang Diyos ay mapagpala sa taong mapagkumbaba at tumatanggap ng disiplina. (Hebrews 12:4-6)

Paano magdasal at isuko ang lahat kay Hesus?

4. Mayroon siyang tinuturo sa iyo

Alam ng Diyos ang tamang panahon para ibigay ang ating hinihiling. Minsan sinasagot niya tayo ng tila “hindi” o “huwag muna,” dahil hindi tayo nagtatanda o natututo. Madalas, mayroon siyang tinuturo na ikabubuti natin at kailangan nating magpakumbaba upang malaman natin ang pamamaraan ng Diyos (Psalm 25:9). Ang kadalasan na kanyang tinuturo ay ang “patience, humility, and trust.”

→ Pano malalaman kung ang Diyos ang nagsasalita?

5. Hindi sa tunay na Diyos ikaw tumatawag

Galit ang Panginoon sa mga diyos-diyosan at pagsamba sa rebulto (Leviticus 26:1). Ipinadala niya ang kanyang anak na si Hesus sa lupa upang malapit tayo sa Panginoon, hindi kailangan ng taga-pamagitan sapagkat si Hesus ang tulay sa Diyos (John 14:6). Ang tunay na Hesus ay nasa kalangitan na maari nating tawagin ano mang oras. Siya ay kumakatok sa bawat puso at personal na relasyon ang kanyang gusto sa bawat isa. (Revelations 3:20)

Tandaan, ang dasal ng isang “righteous man” ay makapangyarihan at epektibo (James 5:16) at ang pagiging “righteous” ay sa pamamagitan ng pananampalataya sa tunay na Hesus. (Romans 3:22)

MAGANDANG BASAHIN:
Fasting is important when praying for something.
How to pray like Jesus and get answers.
Depressed ka ba friend?

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!