Mahilig ka bang manisi?

141

Ayusin muna ang sarili, bago ayusin ang ibang tao

Mahilig ka bang manisi ng ibang tao, lugar, gobyerno, kapit-bahat, at kung anu-anu at kung sino-sino? Ikaw ay nagaaksaya lang ng panahon. Ito ang sabi ng isang dalubhasang Professor of Psycohology, Jordan Peterson. Ayon sa kanya, may dalawang ugali ng tao:

  1. Sinisisi ang mundo sa problema.
  2. Iniisip kung paano gagaan ang sariling buhay.

Sinisisi nating ang iba at gusto natin baguhin ang ibang tao

Halimbawa, ang lalaki at babae sa isang magka-relasyon ay madalas magaway. Pareho silang may napakahabang reklamo sa isa’t-isa. O kaya naman, isang estudyanteng aktibista. Sumisigaw sa daan, naninira, nangagambala dahil galit sa gobyerno. Nagsayang lang ng oras imbis nag-aral ng mahusay.

Ayusin mo ang buhay mo!

  • Kung mali ang ginagawa mo – Itigil yan, ngayon mismo!
  • Tignan ang mga ginagawa. Parati ka bang late sa tarabaho o school, magastos o lasingero ka ba? – Itigil yan, ngayon mismo!
  • Tignan ang sarili sa salamin at tanungin, hanggang dito na lang ba ako? Ano ang mali na dapat itama? – Itigil yan, ngayon mismo!

Baguhin ang sarili bago ang ibang tao

  • Magsimula sa maliit na pagbabago.
  • Gamitin ang bawat opportunity na meron ka.
  • Kung estudyante – mag-aral mabuti.
  • Kung empleyado – maging masikap sa tarabaho.
  • Ayusin ang sariling bahay bago ang sa iba.

Kapag binago ang sarili, ganito ang mangyayari sa iyo

  • Magiging mapayapa ka, walang kaaway o kinaiinisan.
  • Magiging productive at masagana ka.
  • Magiging kanais-nais ka sa ibang tao.
  • Ang pagiisip mo ay lilinaw at sisigla!
  • Ikaw ay magiging confident at masaya.
  • Makikita mo ang mali sa tama!
  • Magliliwanag ang daan na iyong tinatahak.

Tandaan, hindi mo pwedeng ayusin ang ibang tao – pero kaya mong ayusin ang sarili mo. Kapag ito ay nagawa mo, ang mundo mo ay magiging masagana at mapayapa.

mentoring
counseling

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here