Mahilig sa party, ganito ang nangyari sa kanya

0
71

Kulang sa atensyon

Ibinigay ni Gracie ang kanyang pagbabae sa taong inakala niya na magpupuno ng kanyang kaligayahan. Subalit hindi sapat ang kanyang boyfriend, at naging uhaw pa din siya sa atensyon.

Mahilig si Gracie sa party at minsan, binigyan siya ng isang lalaki ng inumin. Biglang nawala ang kanyang lakas at inalok ng lalaki na ihatid na lamang siya sa kanila. Habang nasa parking, bigla siyang hinawakan sa maseselang parte ng katawan. “I found myself in a parking lot being abuse by this person, wala akong kalakas-lakas.”

Nahumaling sa pornography sa murang edad
Dahil sa masakit na pangyayari, nagbalik kay Gracie ang kanyang mga ala-ala noong bata pa. Nahumaling siya sa porn sa murang edad,”this is nice, wow syempre yung masturbation fantasizing diba.” Hanggang sa ang kanyang pantasya ay unti-unting naging realidad.

Abusadong boyfriend

Noong nalaman ng kanyang kasintahan ang lahat ng nangyari, nagsimulang magbago ang kanyang boyfriend at lalo itong naging abusive. Sinaktan siya at inuntog sa salamin ang ulo. Nag-passout si Gracie at nagising sa isang clinic, sinisi niya ang kanyang sarili ng lalo.

Sa gitna ng kanyang desperasyon, naisip ni Gracie na makipag-ugnayan sa dating girlfriend ng kanyang kasintahan. Pinayuhan siya na lumapit sa Panginoon at sumama sa kanya sa church. “Kahit feeling mo forsaken ka, kahit feeling mo wala kang hope, someone knows every detail of your life… All things works out for the good of those who love Him,” sabi ng kanyang naging kaibigan.

→ This father pointed a gun to his wife and son
→ Walanghiyang asawa, adik na, babaero pa

Surrender mo muna

Lumayo si Gracie sa mga gawain at mga tao na naging sanhi ng kanyang kalungkutan at umibig sa Panginoong Hesus. Lumago at nagsimulang magbago ang lahat.

Nasubok ang kanyang paglago ng may biglang lalaki na muling nagmahal sa kanya. Naging excited at lumalim ang kanilang pagiibigan. Nagsimula nilang pagusapan ang pagpapakasal at imbis na ma-excite, parang may hindi tama sa kanyang nais gawin. Sinabi ng Panginoon kay Gracie na huwag muna at dapat i-surrender muna ni Gracie sa Diyos ang aspeto na ito ng buhay niya.

Huwag muna sabi ni Lord

“OK naman siya Lord, bakit gusto mo kunin?” tanong ni Gracie. Ang tugon sa kanya ng Lord ay “its for her own healing.” Kailangan muna niya na malaman at maramdaman ang tunay na pag-mamahal, at ito ay mang-gagaling lamang sa Panginoon, hindi sa tao.

“Siya (si Hesus) ang greatest lover of my soul… I’ve been to a lot of situation, I was questioning myself, am I really loved, valued, questioning myself, siya lang nakita ko na sagot sa lahat ng tanong ko before,” sabi ni Gracie.

Tulad mo ba si Grace na naghahanap ng pagmamahal?
Huwag mawalan ng pagasa, alam ng Diyos ang iyong pinagdadaanan at siya ay handang umalalay. Kung nais mo ng kaibigan, counsellor, o simbahan ng tutulong sa iyo, call or text 0925-646-1515 o tumawag sa women’s hotline ng CCF – (02) 866 9900.

christian counseling philippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here