Kailan ba pwede magka-boyfriend?

445
princess daughter

Anak ni Manny Pacquiao, may boyfriend na umano ang 13-anyos na si Princess?

Inamin umano ni Mary “Princess” Pacquiao sa isang video vlog na may boyfriend na siya. Seryosong inalam ng Senador kung sino ito. Hindi siya makapaniwala dahil malinaw na “rules” ng magasawang Manny at Jinkee Pacquiao na “NO-boyfriend until after graduation.”

Ang masaklap, 13-years old palang si Princess. Mabuti na lang, isa pala itong prank at ng nang inamin ng magina kay Manny, tulala pa din si Senator Pacquiao. Tama ang pagpapalaki ng magasawa sa anak, pero ang tanong, kailan ba dapat pwedeng magka-boyfriend o girlfriend?

Kailan ba dapat mag-boyfriend o girlfriend?

Walang sinasabi sa Biblia kung ano ang tamang edad upang magkarelasyon. Ang mga batang babae noong panahon ni Hesus ay umiiwas sa ganito dahil mahalaga sa kanila ang “virginity,” hanggang hindi pa kinakasal. Samakatwid, kung kayo na, kasalan agad ang kasunod.

Ang tamang panahon para pumasok sa relasyon

  1. Nakatapos ka na sa pagaaral at hindi na umaasa sa mga magulang.
  2. Ipinakilala at pinagpaalam mo sa iyong magulang ang tao na ito.
  3. May basbas o “blessing” ang iyong magulang sa tao na ito.
  4. Humingi ka ng payo sa mga maka-Diyos na kaibigan sa paligid mo.
  5. Kaya mo ng buhayin o magtaguyod ng pamilya, dahil ang pagpasok sa relasyon ay hindi isang “experiment.” Dapat sigurado ka dahil mahirap magkamali.
mentoring
counseling

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here