Michael Mota, nagkunwaring Kristiyano, ginawang lalagyan ng marijuana ang Biblia, para matuwa ang magulang?
Taga Ilo-Ilo is Michael Mota. Relihiyoso at madasalin ang kanyang nanay. Lasingero at sugalero naman ang kanyang ama at pala-inom din ang nanay. Pero binago sila ng Panginoon at naging tagapaglingkod sa simbahan.
Minsan, may isang bulag na nagpunta sa kanilang bahay at pinagdasal ito ng tatay nya. Matapos ay nakakita. Ganun din ang isang lumpo na nakalakad, matapos ipagdasal ng kanyan Ama. Tunay na isang milagro ng Diyos.
Dahil sa masamang barkada
Subalit miski anong ganda ng ipininakita ng kanyang magulang at mga milagrong nakita niya, si Mike ay nalulon sa alak at nahilig sa droga. Sa harap ng kanyang magulang, siya ay nagkukunwaring matino at isang Kristiyano.
Nang lumipat sila sa Maynila, natutunan niyang mag-marijuana, dala ng kaibigan na nagco-combo. Hindi nagtagal, sinbukan niya ang Mandrax, LSD, at heroin. Pati Formaldehyde, tinitira na ni Mike.
Chongkee, nakaipit sa Gideon Bible
Nahuli siya ng isang narcotic agent. Tila alam nito na may tinatago siyang marijuana. Mainggat si Mike sa ganito kaya iniipit niya ang “chongkee” sa pagitan ng mga pahina ng Biblia.
Ng kinapkapan, isang Gideon Bible ang nakita. Dahil sa “allergic ang police” sa Biblia, iniwan at pinabayaan na lang siya.
Hindi nagtagal, nakulong si Mike ng sandali ng dahil sa mga kabalastugan at bisyo. Dito nagsimula ang kanyang pagbabago sa eded na 19.
Nasubukan mo na ba si Hesus?
Di katagalan, nakilala niya si Jesse Gatdula “Nasubukan mo na ba si Hesus? May pagasa ka pa,” tanong ng Pastor. Inimbitahan siyang mag-attend ng service sa itaas ng Alpha Student Center, malapit sa UST. Ang sabi ng Pastor, “The devil also reads the Bible.”
Na-realize ni Mike Mota na tulad siya ng isang demonyo na nagbabasa ng Biblia, pero wala naman talaga si Kristo sa buhay niya.
Tinawag niya si Hesus, “Kung totoo ka, mababago mo ako, nandito ako. Kung ikaw ang makakatulong sa akin, baguhin mo ako,” ika ni Mike Mota.
Tinaktak at binaligtad ng Panginoon
Hindi niya napigilan ang pagiyak sa upuan. Matapos niyang ibigay ang lahat sa Diyos, nag-iba ang pakiramdam ni Mike Mota. Hindi niya ininda ang paghagulgol, miski may mga tao sa paligid niya.
Napakagaan ng pakiramdam niya. Parang nag-drive siya ng jeep at lumilipad sa saya. “Mas-masarap ang pakiramdam kumpara sa drugs na natikman ko,” sabi niya. Hindi n iya maintindihan, pero miski amoy ng alak, ayaw na niya.
Mas-masarap ang pakiramdam kumpara sa drugs
Hirap maniwala ang mga magulang na siya ay nagbago. Di katagalan, nakita nila ang tunay na pagbabago. Si Mike ay nagaral upang maging Pastor at tulad ng mga magulang, siya ay naging taga-paglingkod ng Panginoon.