Nikko Nicanor Testimony
Dahil sa panganay, mataas at iba ang treatment kay Nikko ng Daddy niya. Much is expected from him at dahil dito, madalas niyang awayin at i-bully ang mga kapatid niya, dahil na rin sa kanyang violent tendencies.
Pinilit ni Nikko na patunayan ang sarili niya sa mga magulang. Siya ay nagsikap sa pagaaral subalit tila hindi ito sapat. Dahil sa pagka-uhaw sa atensyon, nagkaroon siya ng relasyon sa isang babae na may dalang kababalaghan.
→ Abegail Mesa testimony, naligtas sa impyerno!
May third eye ang girlfriend
Mayroong “third eye” ang kanyang girlfriend at isa itong “access ng demonyo” sa isang tao. Dahil dito, nagsimulang makita ni Nikko ang mga kababalaghan, tulad ng pagsapi ng demonyo habang ang mata ng kanyang girlfriend ay nanglilisik. Minsan, galit at nagiiba ang boses ng girlfriend niya.
Dumating sa point na may nakikita ang kanyang girlfriend na kung ano-ano, at kinailangan nilang magtago at magpunta sa kung saan-saan na lugar upang takasan ang mga nagpapakita.
Naisip ni Nikko na kailangan niyang suportahan at protektahan ang girlfriend. Nagpupunta sila sa motel at doon gumagawa ng mga “incantations.” Inakala niya na ang paggawa ng mga ritual na ito ay makakatulong, pero lalong lumala.
→ Christians should avoid Holloween.
After the ritual, mas naging madalas ang “demonic possession” ng babae. “Little did I know that it was a form of Satanic worship,” sabi ni Nikko. Bagama’t hindi man niya tinuturing ang sarili bilang atheist or satanist, ang pagkawalan niya ng personal na relasyon sa Diyos ang bumubulag sa kanya upang hindi niya makita ang katotohanan sa ginagawa nila.

Unti-unting pagsanib
Kahit ang girlfriend lang niya ang nakakakita ng mga demonyo, hindi napapansin ni Nikko na unti-unting sumasanib sa kanya ang mga masasamang espiritu dahil sa pagsali niya sa mga “occult rituals.”
“Nagbabago daw ang facial features ko na hindi ko namamalayan, yung galit, masungkit at bugnutin,” sabi ni Nikko.
Minsan, mag-isang naglalakad si Nikko sa kanilang subdivision. May isang grupo na nag-iinuman at napansin niya itong tila pinag-uusapan siya. Tandang-tanda ni Nikko ang sandali na yun at ang pag kakaalam niya, hindi niya pinapansin ang mga ito.
→ Espiritista, pagsasalin kay Alice Cabaltera.

Hindi namamalayan ang mga ginagawa
Naging kaibigan ni Nikko ang isa sa grupo ng nagiinuman. Ikinuwento at pina-alala nito kay Nikko ang pangyayari ng gabi na iyon.
Ang sabi ng kaibigan, “sinigawan mo kami lahat, minura mo kami lahat.” Nagulat si Nikko dahil hindi ganun ang naaalala niya.
Nang minsan din, habang nasa motel sina Nikko, nagising siya dahil iyak ng iyak ang girlfriend. Nang tinanong ni Nikko kung bakit, “inuntog mo ako sa pader,” sagot ng girlfriend. Hindi rin ito matandaan ni Nikko.
→ Exorcism of Clarita Villanueva.
The great exchange
Naimbitahan ang magkasintahan sa isang “Christian fellowship.” Dito narinig ni Nikko ang tungkol sa “The Great Exchange.”
Ang sabi ng Pastor, “Let’s say may wallet ako na punong-puno ng pera, pwede ba palit tayo? Ganun din si God sayo, ito ang buhay mo na nabubulok, bibigyan ka niya ng bagong buhay.”
Ang tugon ni Nikko ay “oo naman, gusto ko yun.” Dito nagsimula ang pagbabago sa puso ni Nikko. Unti-unti niyang nararanasan ang maganda at bagong direksyon sa buhay niya. Dito niya nakita ang kasiguraduhan at pagibig ng Diyos.
“I just know something has changed, I turned 180 degrees. Lord, I want to serve you faithfully wag kang mag-give up sa akin, i-train at disciple mo ako to be like you,” ito ang nais ni Nikko.
→ Do you want to “Bear Fruit“?
A New Creation in Christ

Ngayon, isang Math Teacher si Nikko sa Ateneo de Manila High School at kasama siya sa dance ministry ng Destiny Church.
“Na-compare ko ang buhay ko now, I will not trade my life today sa dati. Now, mayroon akong peace of mind.” Dagdag ni Nikko.
Ang Bagong Nikko
Ang masamang nakaraan ng isang tao ay nabubura kapag tinalukuran ito at humarap kay Hesus. If anyone is in Christ, he is a new creation; the old things are gone (2 Corinthians 5:17).
Kung nais mo rin na magbago ang iyong buhay, si Hesus ay kumakatok sa iyong puso, siya ang dapat tanggapin sa buhay mo.
At tulad ni Nikko, siya ngayon ay anak ng Diyos at wala sinuman ang makakaagaw ng pagmamahal sa kanya ng Panginoon, ng dahil kay Hesus.