Kailan ba dapat magka-boyfriend?
Ang puso ay mapaglinlang (Jeremiah 17:9). Kapag feeling mo masaya ka at may kilig-factor sa ka-relasyon mo, siya na agad si Mr. Right or Ms. Right. Yun pala, puro emotions lang o kasi guwapo at maganda, pero hindi naman talaga “true love”.
Remember: There is no such thing as Mr. Right or Ms. Right, we’re all imperfect, though made perfect in the sight of God through Jesus.
My first mistake – my first boyfriend
I was 18 years old when I had my first boyfriend. Walang nagturo sa akin na dapat ay pinaghahandaan pala mga ganito.
Hindi ako marunong umibig, excited siguro at nang sinabi niya sa akin na “this is our number ha, tayo na,” pumayag ako na maging kami. Hindi ako talaga handa pero dahil sa awa, sinagot ko siya ng oo at inisip na matututunan ko din siyang mahalin. Yun pala, siya si Mr. Wrong.
Out of curiosity, nagawa ko ang mali at unti-unti ko na nakita ang pagbaba nang aking moralidad. I began to devalue myself. Hinayaan ko siyang hawakan ako sa mga maling paraan, halikan, at magpagamit sa isang taong hindi pala si Mr. Right.
“Isinuko ko ang Bataan,” at dahil sa nangyari, inisip ko na wala ng lalaki na seseryoso sa akin. Hinanda ko ang sarili na mag-settle sa isang tao na hindi ko naman totoong mahal, huwag lang akong maiwanan at maging mag-isa sa buhay.

True love waits
Inakala ko na wala ng pupuntahan ang love life ko, but everything suddenly changed. Naimbitahan ako sa isang seminar tungkol sa purity, that “True Love Waits.” Hindi ko alam ba’t ako nandoon, I felt I wasn’t pure at all at para sa ano pa waiting for true love?
Pero sa seminar na iyon, the speaker challenged us, at isinuko ko ang buhay ko sa Panginoon. I offered my life to God, miski na ang buhay na ibinigay ko, alam kong tira-tira na lang. I said to myself “Lord, this is what’s left of me, can I still be used in your Kingdom”?
Lord, this is what’s left of me, can I still be used in your Kingdom
Pinag-pray ako ng speaker at nagsimula kong naramdaman ang pagbabago sa puso ko. The next thing I knew, naglakas ako ng loob na iwanan ang boyfriend ko. Nagdasal ako na ihanda ng Panginoon ang puso ko sa taong inilaan niya para sa akin. Lord, “ibigay mo po sa akin ang the one, ang taong tunay na magmamahal at mamahalin ko ng habang buhay”.
Ready na ba?
Maraming counselling ang pinagdaanan ko at maraming tao ang pinadala ni Lord upang tumulong sa akin upang maghilom ang sugat. Natuto kong patawarin ang aking sarili, sa mga maling desisyon – habang tinatanggap ko ang pagpapatawad sa akin ng Panginoon.
Makalipas ang halos sampung taon na pagaantay, isang lalaki ang nakasama ko sa isang small group fellowship. Hindi kaila sa kanya ang aking past, naririnig niya madalas ang aking testimony sa harap ng grupo. But inspite of it all, tinuring nya ako na parang isang crystal.
Kung sana, nakapag-antay ako
For the first time in my life, isang lalaki ang nagparamdam that I am important and accepted. Eventually, naging kami subalit tuwing na pag uusapan ang aking nakaraan, umiiyak siya at nalulungkot.
Wala akong magawa at hindi na mabubura ang nakaraan. I asked him, “kung nasasaktan ka, bakit ‘di mo nalang ako iwanan?” He answered, “I know you are the one. Tinanong ko si God, at sinagot niya ako sa kanyang salita. Paano ko tatalikuran ang sinabi sa akin ni God na para sa akin?”
Jesus alone completes us, hindi ang isang boyfriend
So, kailan ba dapat magka-boyfriend?
Sa aking natutunan, maari mo lamang ibigay ang puso mo kung una mo itong binigay kay Hesus. Dapat mo munang maranasan ang pagibig ng Diyos, Jesus alone completes us (Colossians 2:10), hindi ang isang boyfriend. Higit sa lahat, mainam ng mag-konsulta sa mga magulang. Mas kilala nila tayo at kapag hindi sila sangayon, siguradong may nakikita sila na hindi natin nakikita. Gusto mo bang mabigo tulad ko?
Sa mga minsang nagkamali tulad ko, hindi pa huli ang lahat. Lumapit ka sa Panginoon at kaya ka niyang muling mabuo, tulad ng ginawa niya sa akin.
→ Should you date a non-Christian unbeliever?
→ How these “rockstar males” managed to keep their virginity.