Nais mang huwag umibig, tadhana ang siyang pipilit

The Lawrence and Leslie love story in the making

0
232

Paano malalaman kung siya si Mr. & Ms. Right?

Mahirap sagutin pero para kay Lawrence and Leslie, sigurado sila na nakita na nila ang Mr. & Ms. Right sa isa’t-isa. Fifteen and sixteen years old pa lang noong una silang nagkita. Nagkakilala sila sa simbahan sa Zamboanga bilang youth leader at nagkasama sa music ministry.

Naging close ang binatillo at dalagita na halos araw-araw nagkikita at minsan kumakain sa iisang plato. Napuna ang kanilang pagiging malapit at tila hindi ito naging magandang example. Sinabihan silang huminto muna sa music ministry.

Yun pala, nahuhulog na ang isat-isa at ng umamin sila sa leaders, naging awkward ang friendship. Dito nagpasya si Lawrence na umalis upang matigil na ang mga mga chismis. Hindi na niya kayang magpaalam kay Leslie at hindi rin niya kinaya ang paninira na tila-tambay lamang ang tingin sa kanya, hindi daw sila bagay. Ikinasama ng loob ni Leslie ang biglang pagalis ni Lawrence, at ayaw na niyang makita ito – ever! Di katagalan, umalis na rin si Leslie at nagaral sa Manila habang si Lawrence ay nagaaral sa Davao ng automative.

Pilit pinigilan ang damdamin

Sinubukan nilang magkipag-relasyon sa ibang tao pero iba ang hinahanap ng puso. Hinanap ng binata ang dalaga at muling nagkausap sila sa Facebook matapos ang ilang taon. Naging man-hater ang dalaga dahil wala silang closure, ayaw na niyang makausap si Lawrence. Madaming tanong, madaming inis, madaming drama.

Bakit hindi mo ako pinaglaban?

Ramdam ng dalaga ang pagmamahal ng binata pero hindi niya tanggap na kaya nitong talikuran ang lahat. Inamin ni Lawrence na mababa kasi ang tingin niya sa kanyang sarili at tila di karapat-dapat sa tulad ni Leslie na may ambisyon.

lawrence leslie love

Hahanapin hanggang sa dulo ng mundo

Makalipas ang dalawang taon, nagtapos ang dalawa. Dito naglakas loob ang binata na hanapin ang dalaga upang magkita at harapang sabihin “gusto nako na makauban ka” (ikaw ang gusto kong makasama). Nagkaroon ng pagkakataon si Lawrence na puntahan si Leslie sa Manila.

Yun nga lang, ang job opportunity ay bilang isang welder sa Olongapo, na inakala ni Lawrence na isang-tambling lang sa Cavite.

Ang “magic perfume?”

Makalipas ang apat na taon, pinilit ni Lawrence na magkita sila muli pero takot si Leslie. Pinagdasal nila ang pagkakataon na ito at sa wakas, nagkita rin ang dalawa sa labas ng BIR Bacoor, Cavite.

Ang unang sinambit ng dalaga, “Leslie nga pala,” na kunwari ay nagpapakilala sa unang pagkakataon. Pero tila nagayuma ang dalaga at ang sunod na ginawa ay ang amuyin sa balikat ng binata at sinabing “ikaw nga yan”. Biglang nagising ang puso ni Leslie, nag-throwback ang lahat ng magagandang sandali at muling tumibok ang puso na pilit pinipigilan.

Nag-throwback ang lahat ng magagandang sandali at muling tumibok ang puso na pilit pinipigilan.

Titigan at tinginan lang

Hindi nakapagsalita si Lawrence, pero alam niya na si Leslie ang Ms. Right sa buhay niya. Walang nagawa ang binata kung hindi titigan ang dalaga. Kinagabihan, sa iilang salita at tinginan, ramdam nila na sila na talaga, hindi kilig ang nararamdaman – kungdi ang inner peace na galing kay God.

lawrence leslie loveGod will make a way
Kasama sa mga dasal ni Lawrence ay ang magkalapit sila. Sinagot ni Lord ang dasal at mula sa pagiging welder, nagkaroon si Lawrence ng opportunity na mag-training bilang call center agent. Natanggap siya sa Makati, habang si Leslie ay nagtatarabaho sa Cavite.

Walang perpektong relasyon, pero may perpektong Panginoon na kayang gawing maayos ang lahat.

Pinakamahalagang aral kay Lawrence and Leslie

Una ay ang pagkakaroon ng personal na relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Hesus. Siya lamang ang bubuo sa atin, hindi ang pagibig mula sa tao. Kung tayo ay sigurado sa pagmamahal ng Diyos, maari nating ibahagi ang pagmamahal na ito sa iba. Mahalaga din ang mga sumusunod na aral:
1. Naging magkaibigan muna sila ng matagal.
2. Pinanatili nila ang “sexual purity” sa kanilang relasyon.
3. Nakumpleto muna sila, hindi dahil sa isat-isa kungdi dahil sa nakilala nila si Hesus.

Ang pag-usbong ng tunay na pagiibigan, kung ang Panginoon ang may akda, walang sinomang kayang pigilin. Huwag magmadali, hayaan umusbong ng natural ang pagiibigan.

christian counseling philippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here