“Call boy,” nalulon sa droga

Nagbenta ng droga at katawan, kapalit ay HIV

Grade three pa lang, nakatikim na ako ng Marijuana. Pagdating ng college, naging varsity player ako ng basketball at sa barkada ako unang nakatikim ng shabu. Hindi ko alam na unti-unti na pala ako nalululon sa droga. Dahil hindi na kinaya ng allowance ko ang bisyo, napadpad ako sa isang sikat na bar sa Timog.

Gusto ko lang ng gimmick noong una, pero dahil sa pangangailangan ko ng pera para makabili ng shabu, doon ako unang ‘na-bugaw.’ Ang tatay ko ay isang Americano at Pinoy ang nanay ko, dahil sa athelete at matangkad ako, naging mabenta ako sa babae. Di katagalan, tumanggap na rin ako ng lalaki dahil mas malaki ang bigay nila. 

Mabilis ang pera sa pagiging “Call boy”

Kumikita ako ng halos P5,000 isang araw. Feeling ko, hindi ako mauubusan dahil naging indemand ako. Dahil dito, huminto na ako ng college at kinareer ang pagiging ‘Call boy.’ Di katagalan, humina ang booking ko, pero tuloy parin ang droga. Kinailangan ko ng ibang pagkakakitaan.

Pinilit kong ayusin ang buhay ko

Makalipas ang apat taon, sa edad na 25, inayos ko ang buhay ko. Nagsawa din ako sa droga at nagdesisyon na huminto. Nakipag live-in ako sa girlfriend ko at nagkaanak kami. Di kalayuan, nahikayat ako muli ng mga kaibigan. Naging tambay ako, babaero, at madalas sa inuman. Dahil sa impluwensya ng maling kaibigan, nagbalik-shabu ulit ako.

→ Asawa handang barilin ang asawa at anak, dahil sa shabu.

→ Ang byahe ng isang transgender, Mark Estephen

Tokhang: Wanted ng mga pulis

Inalok ako ng binibilhan ko ng shabu na magbenta na rin para may commission. Dito ko nakita na mas malaki pala ang kita sa droga at nagustuhan ko ito. Hindi ko alam na ang supplier ko pala ay may ‘patong sa ulo.’ Tinututukan na pala ako ng mga pulis. Nahuli ako at ang isa pang middleman na tulad ako. Pilit kaming pinaamin pero hindi namin pwedeng ikanta dahil ipapapatay kami ng source namin.

Isang bala na lang

Dahil ayaw naming magsalita, bigla na lang sinuklaban ng sako ang kasama ko at binaril. Alam ko na ako na ang susunod, kaya sa takot ko, umamin at nakipagkasundo ako na ituro ang sindikato. Nagkaroon kamin ng usapan ng mga pulis kung paano ko ituturo ang ‘big boss’ pero dahil sa takot ko, hindi ako sumipot dahil alam ko na malamang, ipapapatay din ako.

Kapit sa patalim muli

Na-depressed ako at nagtago-tago. Hindi ko nakita ang aking pamilya ng matagal. Dahil sa hindi ako nakatapos, wala ako makuhang matinong tarabaho. Bumalik ako sa pagbebenta ng droga, miski paunti-unti. Dahil sa nagtatago ako, sa isang motel ako tumira at dito lang umikot ang buhay ko ng tatlong taon. Naging malungkot ang buhay ko na walang pinupuntahan. 

Akala ko OK na ang lahat, yun pala…

Nakakapagod at nakakasawa ang naging buhay ko at gusto ko ng magbago. Dinala ako ng Nanay ko sa isang “recovery home.” Dito ako nakakilala ng mga Kristiyano at natuklasan na may pagasa ako sa pamamagitan ni Hesus. Mabilis ang pagbabagong buhay ko at nanumbalik ang aking pagasa. Siyam na buwan ang program at nag-stay ako ng mahigit isang-taon para mag-serve ng libre, bilang pasasalamat sa ginawa ng Diyos sa buhay ko.

Paglabas ko sa programa, nagtarabaho ako isang factory at naging normal na muli ang buhay ko. Pero napansin ko na mabilis ako manghina at pumapayat. Bigla na lang ako nag-collapse at dinala sa ospital. Pneumonia sabi ng Doktor, pero hindi tumatalab ang antibiotic. Ang hinala ng mga Doktor, ako ay may ibang sakit at ng pinatest ako, lumabas na postibo ako sa HIV. Marahil ay dala ko na ito, mga 5-10 years, pero ngayon lang lumabas ang simtomas.

→ Dahil sa sapatos, nakipag-sex sa bakla.

Ayoko pang mamatay

Madalas akong ma-opistal dahil huli na nalaman na may HIV ako. Lumala na ito papuntang AIDS, ito ang kinakatakot ko. Nakaratay ako sa isang Hospital sa Maynila at may grupo na pumasok sa ward namin at nakipagkaibigan. Tanong ko sa sarili, bakit sila nagtiyaga na dalawin at ipadasal ang sino man, wala naman silang kamag-anak sa sa ward.

→ Gay Muslim transgender, binago ang buhay.

Bagong buhay, bagong pag-asa!

Inalok din ako ng “pray over” pero ayaw ko sila pansinin. Pwede silang mahawa sa mga kung anong-ano sakit, pero nakita ko ang pagmamalasakit nila. Dahil dito, pumayag ako na ipagdasal nila ako. Nagulat ako dahil bigla akong lumakas. Parang may nagtanggal ng mabigat kong pasanin! Di kalaunan, nakalabas ako ng ospital at naging kaibigan ko sila.

Naging pamilya ko ang “Christian group” na ito at unti-unti ko nakikilala ang Panginoon. Inimbitahan nila ako sa isang Bible Study at doon nagtuloy-tuloy ang aking paglago kay Lord. Ngayon, nanumbalik ang aking sigla, nagkaroon ng tarabaho. Pero higit sa lahat, ako ay may pagasa dahil sa ginawa ni Hesus sa buhay ko.

Gusto mo bang magbagong buhay?

Kung nais mo rin na magbagong buhay, ito ay maari sa pamamagitan ni Hesus. Kung ikaw ay magpapakumbaba at lalapit sa kanya, hindi ka niya tatanggihan, ano pa man ang iyong nakalipas. Kung kailangan mo ng counseling, mag-text o mag-chat sa amin sa Facebook.

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here