Category:

Nay, Tay, pakinggan niyo po ako

Ang ugat ng problema sa aming kabataan

Alam namin na busy kayo sa trabaho para sa aming kinabukasan, subalit hindi ito ang una naming pangangailangan. Naghahanap kami ng atensyon at kapag hindi namin ito nakita sa inyo, hahanapin namin ito sa ibang tao at paraan tulad ng…

Drugs
Pornography
Pre-marital sex
Relationship and pregnancy
Social Media
Video game

Gusto namin na maging malapit sa inyo

Kami ay uhaw sa atensyon pero sa mga sandali na tayo ay magkausap, madalas na sermon ang aming naririnig – pwede po bang ako lang ang magsalita at kayo naman ay makinig lamang?

Pwede po bang ako lang ang magsalita at kayo naman ay makinig lamang?

Turuan niyo kami sa pamamagitan ng halimbawa

“Dapat ituro ng magulang sa anak ang pag-ibig at takot sa Diyos, ang pagsunod sa Kanya, upang maging maayos ang pamumuhay niyo, ng mga anak ninyo at ng mga anak nila” (Deuteronomy 6:1-9). Ang problema, hindi po namin nakikita na kayo mismo ay may takot o sumusunod sa Diyos. Kailangan po namin ng magandang halimbawa, at sa inyo kami nakatingin.

Sa inyo kami nakatingin

Ang pinakauna naming pangangailangan

soosh mother and father
Madami po akong kailangan, pero ang iba ay hindi naman talaga importante. Nay, Tay, hindi “quality time” ang hanap namin kung hindi “lots and lots of time.” Alam namin na busy kayo para sa aming kinabukasan, pero hindi kami parating bata. Mabilis ang panahon.

Simple lang naman po ang gusto namin, na kami ay inyong yakapin at sabihin…

“Anak, tanggap kita, OK lang yan”
“Ikaw ang pinakamahalaga sa buhay namin”
“Labas tayo anak, chillax lang”
“Madami ka mang maling ginawa, lab you always”
“Please remind me anak – bawal ang sermon kapag magkasama tayo”
“Sorry anak, marami akong pagkukulang, let’s try again”

- Advertisement -

6 COMMENTS

  1. Minsan hindi talaga maintindihan ang mga magulang kung bakit ganun sila? ganto sila? but the truth is kailngan nilang gawin ang mga bagay na para sa mga anak πŸ™‚ walang magulang ang hindi kayang mahalin ang kanilang mga anak πŸ™‚

  2. i just wanna thank my mom kahit busy siya.
    Thank you for listening to me cry on the phone, no matter what time of day, and no matter what reason.

  3. sana naman mabasa ng aking mga anak itong artikulong ito.
    pag-palain ka ng Diyos πŸ™‚
    John15 sobrang nakaka bless mapa FB man, YOUTUBE, INSTAGRAM at WEBSITE more power pa sa inyong lahat

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here