Nilamon ng katalinuhan, nabuntis ng maaga – pero ang ganda ng ending

0
164

Huwag magagalaw ang pagaaral

Sa edad na 16 years old naging batikan na teenstar si Bettinna Carlos. Pagka-graduate ng high school, nag decide siya na iwanan ang pag-aartista dahil sa kagustuhan makatapos ng college, mamuhay ng malaya ng walang camera na nakapaligid sa kanya. Naging mataas ang tingin niya sa sarili pero sa loob ay puno ng takot. “I felt I was academically smart, but I was stupid”, sabi ni Bettinna.

Nakatapos ng matagumpay si Bettinna ng college sa Ateneo at binalak na bumalik sa showbiz, subalit nangyari ang hindi inaasahan. Nagkaroon siya ng stable na relationship ngunit tila may kulang at walang sigla. Naghiwalay sila at muling nakatagpo si Bettinna ng isang lalaki, na hindi niya boyfriend, subalit siya pa ang nakabuntis sa kanya. Wala ito sa plano niya.

It was an unexpected pregnancy, not unwanted

Naging matindi ang dasal ni Bettina upang kayanin ang maagang pagbubuntis. “Lord, ayoko ito, paano ang mga pangarap ko, inaayos ko na, nagkakaroon na ako ng plan, bakit ngayon pa, huwag niyo ako parusahan.” Subalit noong narinig niya ang heartbeat sa kanyang sinapupunan, tinatanggap niya ang kanyang tadhana. “It was an unexpected pregnancy, not unwanted,” ayon kay Bettina. Sa simula, pinanindigan ng ama ang anak, pero nagbago ang hangin pagkatapos manganak ni Bettinna.

Naimbitahan si Bettinna ng isang kaibigan sa Christ’s Commission Fellowship at parang tadhana, ang topic ng Pastor ay kung ano ang kanyang pinagdadaanan. Dito naramdaman ni Bettina ang pagasa at ang desisyon na harapin ng maayos ang pagiging magulang.

Hiniwalayan niya ang ama ng kanyang anak, feeling niya, the relationship will not workout. Lumapit si Bettinna sa Diyos upang humingi ng karunungan upang itagayod ang kaniyang anak ng maayos at puno ng pagmamahal. Hindi madali ang desiyon ni Bettina na maging isang ‘single parent.’

bettinna carlos christian baby
Ibinigay at inalay ni Bettinna ang kanyang buhay at ng kanyang anak sa Panginoon. Simula ng makilala niya si Lord, naging sunod-sunod na ang opportunities para makabalik siya sa showbiz, at makapaglingod sa Panginoon sa pamamagitan ng negosyo at public speaking.

Ngayon, forever grateful si Bettinna. Alam niya na hindi siya pinabayaan ni Lord!

Ikaw ba ay buntis o isang ‘single parent’ na kailangan ng counseling?

christian counseling philippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here