Sure ka ba si Lord ang nagsasalita?
Noong panahon ni Moses 3,500 na taon na ang nakakalipas, Diyos mismo ang kumakausap sa kanyang mga anak na “Israelites.” Siya rin ang sumulat ng sampung-utos at nagpakita sa pamamagitan ng nasusunog na puno at lumalagablab na bundok (Exodus 3).
Ang Diyos ay “Holy” at bilang makasalanang tao, tayo ay mamatay kung siya ay magpapakita or magsasalita sa atin (Deuteronomy 5:23-26). Isa sa pangako ng Diyos sa pangalawang pagbabalik ni Hesus ay ang muli nating marinig ang boses ng Diyos. Sa ngayon, siya ang nangungusap sa atin sa pamamagitan ng mga ito:
1. Panaginip o pangyayari
Bagama’t maaring mangusap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng panaginip (Joel 2:28), hindi sa lahat ng pagkakataon, ito ay galing sa Diyos. Ang demonyong kaaway ay may kakayanan na manlinlang, upang hindi natin ituloy ang mga bagay na ipanghihina niya, tulad ng pagsisimba o Bible study. Si Satanas ay mapanlinlang (2 Corinthians 11:3), lalo na kung ang iyong puso at motibo ay makasarili.
May boses din na galing sa kaaway upang manlinlang
May isang Kristiyano na pinagdasal ng matagal na maka-attend ng retreat. Dumating ang pagkakataon at libre pa lahat. Handa na ang lahat subalit hindi siya tumuloy dahil napanaginipan na nagkaroon ng aksidente habang papunta sa retreat.
Makalipas ang ilang linggo, kailangang mag-attend ng isang mahalagang learning seminar ang asawa, sublit hindi siya tumuloy dahil nanaginip silang muli grabeng aksidente. Ito ba ay warning sa Panginoon o pananakot ng demonyo para mawalan tayo ng lakas gawin ang tama?
Maging maingat sa pagsasabi ng “Sabi sa akin ni Lord…,” dahil hindi lahat ng boses ay galing sa kanya. Suriin ang panaginip o pangyayari sa pamamagitan ng mga tanong na ito:
- Ang panaginip o signs ay tugma ba sa salita ng Diyos?
- Ito ba ay nagbibigay ng kalualhatian sa kanya o kawalan ng pananampalataya?
- May maganda bang idudulot ito o magdadala ng kasalanan?
Hindi lahat ng masasamang bagay na nangyayari (halimbawa – paghihiwalay o pagkakasakit), ay walang benepisyo. Kadalasan, ito ay hudyat ng Panginoon upang tayo ay maging malaya sa maling relasyon, o lumapit sa kanya.
→ How to pray like Jesus and get answers
2. Mula sa mga maka-Diyos
Lahat ng tao, Kristyano man o hindi ay maaring gamitin ni Lord upang mangusap sa atin (1 Corinthians 1:27) pero miski Pari o Pastor ay maaring magkamali. Maging mapanuri:
- Ang nagsasalita ba ay maari kong pagkatiwalaan?
- May napupuna ka bang ugaling maka-sarili?
- Naayon ba ang sinasabi niya sa buong konteksto ng Biblia?
- Ang sinasabi ba niya ay magpapakita ng pagmamahal sa Diyos, kapwa tao, at hindi upang maitaas ang kanilang sarili, simbahan o gawain?
→ Bakit tahimik ang Diyos sa aking mga dasal?
3. Mula sa Biblia
Madalas mangusap si Lord tuwing nagbabasa tayo ng Bible o “during our Quiet Time.” Minsan, sa unang buklat pa lang ay bumubulaga na sa atin ang isang verse na tila sa atin pinaririnig ni Lord. Ang tawag dito ay “Bible cutting” at “Rhema.”
Bagama’t ginagamit ito ni Lord na paraan, hindi tayo dapat masanay na parati itong gagawin ng Diyos. Sa halip ay magkaroon tayo ng maayos na paraan ng pagbabasa ng Biblia. Halimbawa, magsimula sa Genesis o sa book of John.
PALALA: Maraming maka-Diyos ang gumagamit ng Biblia pero para sa makasarili na hangarin (2 Peter 3:16). Magbasa ng salita ng Diyos, manalangin. Huwag makinig sa iisang tao lamang.
FURTHER READING:
Paano magbasa ng Biblia?
Pano malalaman kung si Lord ang nagsasalita?
Gusto mo bang mag-give up sa ministry?
Panaginip ko po Ay boses po na 2026 daw cya babalik. Tpuz nagising ako una ko Pa naalala si Jesus po anu kaya ibig sabihin nun
Ang panaginip ko po ay pumunta kami sa isang Lugar na kung saan may mga tao na pinupokpok ang mga ulo ng kasama ko habang ako nasa punong kahoy lamang nag tatago kasama ko ang isang Lalaki at babae nasa likod ko sila mga ilang minuto yung langit kumikidlat at nag salita bigla d ko alam kung si Lord ba yun o hindi basta galing sa langait…
At ang sabi niya..
yan ba talaga ang gusto nyong Gulo sige may e dadagdag ako!!!…
Ayun lumabas ang malalaking bato na nag lalakad..! At unti-unting pinapatay ang mga tao..!
Yun po ang nasa panaginip ko po.. Kaya nagising ako akala ko totoo pero pag gising ko kinakabahan pa po ako kaya nag search ako kung bakit ko napaginipan si Lord kahit d ko sya nakikita boses lang po ang narinig ko sa kanya galing sa langit…
Grabe iyak ko kanina Umaga pagising ko. Nagising ako alas 3 ng Umaga para umihi. Pagbalik ko sa pagtulog bigla akong nakaramdam ng pag along sa aking kama. Gusto Kong nagising, gusto Kong gumalaw Peru diko magawa. Tapos biglang may narinig akong boses at yuon Ang boses ng panginoon. Sabi nya sakin Rogelyn Rogelyn bukas may mangyayari sa buhay mo grabeh Ang iyak ko. Anu ibig sabihin nun. Mamatay na ata ako lord wag nman Sana maliliit pa mga anak kopo plzzz