Category:

Paano magdasal ayon sa Biblia?

Paano magdasal ayon sa turo ni Hesus?

Tinuro ni Hesus sa atin kung paano magdasal. Ito ay nagsisimula sa mataimtim na pagkilala sa kanya bilang isang DIYOS-TAGAPAGLIGTAS. Kapag ang puso natin ay mapusok at makasarili, hindi niya ito didinggin (Psalm 66:18). Ang magandang balita, tayo ay makalalapit sa DIYOS-AMA dahil kay Hesus. (John 14:6; Acts 4:12)

Ayon kay Hesu-Kristo

  1. Pumasok sa kwarto o lugar na tahimik, isara ang pinto.
  2. Magdasal sa DIYOS-AMA na nasa langit at hindi nakikita. Ibig sabihin, hindi mo kailangan ng rebulto o larawan, galit ang Diyos sa ganito (Exodus 20:4).
  3. Huwag magdasal ng mga salitang walang kabuluhan, paulit-ulit subalit, at walang say-say. (Matthew 6:7)
  4. Patawarin mo ang iyong mga kaaway bago humiling sa Diyos. Kung ayaw mong patawarin ang iyong kaaway, hindi ka rin patatawarin ng Amang Diyos (Matthew 6). Ang pagpapatawad ay nagsisimula sa puso. Bigkasin mo ang kanilang pangalan ng may kapatawaran at pagbabasbas.

Ang dasal na tinuro ni Hesus

Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa. Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw. At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang, gaya naman namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin. Huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama. Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailan man.

Ang dasal ng pagsuko sa Panginoon

Panginoong Hesus, kinikilala ko na isa kang Diyos na mapagmahal at nagbuwis upang tubusin ang aking buhay. Ang iyong dugo ang siyang naghugas nang aking kasalanan na nagdaan, kasalan sa kasalukuyan, at kasalanan na haharapin. Hindi ko kakayanin ang aking suliranin. Dalhin mo para sa akin ang bigat ng aking dinaranas at bagay na hinaharap. Isinusuko ko sa iyo ang lahat, tulungan mo ako, Hesus na aking Diyos at tagapagligtas!

Tandaan: Ang pagsubok ay paraan upang malaman ng Panginoon kung tunay ang ating pananampalataya. Mahal ka ni LORD at hindi ka niya iiwan. Ang lahat ay kaya mo kung tatawagin mo si Hesus, ang ating lakas. (Philippians 4:13)

BABASAHIN:
Depressed ka ba friend?
Paano ako maliligtas sa kapahamakan?
Bakit hindi naririnig ni Lord ang prayers ko?

- Advertisement -

8 COMMENTS

    • Hi my friend mico
      Kapag ikaw ay tunay na nanampalataya sa ating Panginoong Hesu Cristo, isuko mo parin ang iyong nagagawang kasalanan, dahil hangga’t nasa mundo parin pa tayo. Ay may nature sin parin tayong nagagawa. Ang dapat nating gawin is..
      Mag-pray na nagmumula sa puso natin, at isuko mo ang iyong nagagawang kasalanan (ngayon o mga nakaraan na araw o ang buhay mo noon) at huwag na iyon gagawin uli.

  1. !! Yes,lord,god halleluah,lord god jEsus,Thank you g0d for all the things that you have gevin me…,,oh god guide me in all of my activities,,this day and the days t0 come teach me to d0 go0d to my family,members,and to my friends..,,AMEN,,..

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!