Category:

Gusto mo ba mag-serve kay God?

Ano ang kailangan para mag-serve sa simbahan?

Mayroong “Christian revival” sa Pilipinas! Tulad ng Great Awakening sa America, dumadami ang born-again Christians na nagsimula noong mid-1980s. Sa USA, baligtad ang nangyayari.

Paunti ng paunti ang nagsisimba at may malawakang Christian persecution. Samantala, nasa Pilipinas ang mga malalaking Bible schools sa Asia. Dumadami ang mga Pastor at Christian workers na naglilingkod. Isa ka ba dito?

Limang mahalagang paalala sa naglilingkod:

1. Papasa ka ba sa greatest test? | Philippians 3:7

Ang tunay na anak ng Amang-Diyos ay dumadaan sa trials and discipline (Hebrews 12:6). Kadalasan, ang may pinaka-grabeng testimony ang ginagamit ni Lord.

Si Abraham ang may pinakamahirap na pagsubok (Genesis 22:1-19). Inutos ng Diyos na si Isaac ang ialay. Gustong makita ni Lord kung sino ang pipiliin ni Abraham, ang kanyang anak o ang utos ng Diyos.

Sino ang pipiliin mo?

Mayroon ba na mga bagay o tao na napakahalaga sa iyo na dapat bitawan?

→ Katunayan na isa kang tunay na Kristiyano.

2. Lahat ng galaw mo ay pansin | James 3:1

Hindi madali ang maging guro ng Biblia dahil parating may nagmamasid sa iyong galaw at pamumuhay. Kaya mo bang panatiliing maayos at maganda ang iyong patotoo?

Kapag ikaw ay nagkamali, mas mabigat ang hatol. Kasama dito ang maayos na anyo at pagkakaroon ng “self-control” sa mga iba’t-ibang bagay tulad ng pagkain, pananalita, at faithfulness sa iyong “Quiet Time.” Higit sa lahat, pagiging mapagkumababa at masipag.

Mapagkumbaba at masipag

Ready ka bang mamuhay bilang isang magandang halimbawa?

→ Pitong Best New Year’s Resolution ng isang Kristiyano sa buong taon.

3. Bawal ang maligamgam | Revelation 3:16

Ang sabi ni Hesus, kung ikaw ay “matabang” (hindi mainit o malamig), isusuka ka niya sa kanyang bibig. Ito ay patungkol sa “Laodicean church” kung saan niya ito sinabi.

Tulad nila, may mga Kristiyano sa pangalan lamang, pero walang silbi ang kanilang mga ginagawa. Marami sa atin ang magaling sa simula, pero kapag nakuha na ang gusto, nagiging matamlay sa gawain.

Ang “Christian ministry” ay hindi biro. Huwag maging ningas-kugon, ang lahat ng ginagawa natin ay nakikita ni Lord. Kung ikaw ay tumamlay sa gawain, maaring may “issue” ka kay Lord o “secret sin” na dapat munang ayusin, bago magsilbing muli.

Huwag ningas-kugon

Excited ka bang mag-serve? Paano kung walang “Love Gift,” gagawin mo pa rin ba?

Depressed ka ba friend?

4. Hindi pwede ang “pwede na” | Colossians 3:23

Minsan, kapag matagal na sa “ministry” nagiging boring ang gawain. Tinatamad na ibigay ang “best for the Lord.” Kapag nagkaroon ng posisyon, nagiging pala-utos at nagbabago ugali. Nakakalimutan na isang “Hari” ang ating pinaglilingkuran, hindi tao, Pastor o Pari.

Ang Diyos ang ating pinuno, huwag sa tao magpakitang gilas (Galatians 1:10). Tulad ng pagtatayo ng isang gusali, kailangan sigurado tayo sa pundasyon para hindi gumuho, 100% quality dapat diba? (Luke 6:46-48)

Tandaan, lahat ng ating ginagawa ay ihaharap natin sa Panginoon sa araw ng hukom, mabuti man o masama.

100% quality dapat.

Ibinibigay mo ba ang “best” sa paglilingkod, o kapag convenient lang sa iyo?

→ The secret sin that disqualifies you to serve.

5. Hindi ikaw ang dapat sikat | 1 Corinthians 10:31

Maraming Kristiyano ang nagbabago ang ugali kapag lumaki o sumikat ang kanilang ministry. Yung iba, ang tingin nila sa sarili nila ay napakahalaga ng kanilang opinion. Kinaiinisan sila dahil simpleng mayabang.

Gusto nila na nakikita ng mga tao ang kanilang picture o pangalan. Mas-sikat pa sila kaysa kay Hesus.

Kung may posisyon ka man o wala, tandaan na ang pinaka epektibong Kristiyano ay ang may “servant attitude.” Ibig sabihin, miski Pastor ka, handa ka maglinis ng simbahan o magbuhat ng mga gamit kung may kailangan ng tulong. Hindi ka pa-importante.

Hindi ka pa-importante

Sino ang mas sikat sa FB post mo, si Hesus o ang sarili mo?

READ MORE:
Paano mag-share ng Gospel?
Gusto mo ba mag-give up sa ministry?
How to be an Online Missionary.

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!