Limang palaisipan ng naglilingkod sa Diyos
1. PAGSUBOK BA O KASALAN MO? (Philippians 3:7)
Dinidisiplina ng Diyos ang lahat ng kanyang mahal na anak. Madalas, ang taong may pinakamabigat na pagsubok, ang siyang ginagamit niya sa ebanghelyo.
TANONG: Ang problema mo ba ngayon ay isang pagsubok, o resulta ng sariling kapabayaan?
2. KAMUSTA ANG TESTIMONY MO? (James 3:1)
Madaling tangapin si Hesus, pero mahirap maging tulad ni Hesus. Ang mabisang paraan ng pag-share ng Gospel ay ang pag-share ng testimony mo.
TANONG: Ikaw ba ay example ng isang mapagkumbaba, mapagpatawad, mapagmahal, at maasahang na Kristiyano?
3. HINDI PWEDE ANG “PWEDE NA” (Colossians 3:23)
Lahat ng ating ginagawa ay ihaharap natin sa Panginoon sa araw ng hukom—mabuti o masama.
TANONG: Ibinibigay mo ba ang “best” sa paglilingkod, o kapag convenient lang sa iyo?
4. SINO ANG MAS SIKAT? (1 Corinthians 10:31)
Ang lahat ng ginagawa natin ay sa kalualhatian ng Diyos. To God be the glory!, ika nga.
TANONG: Sino ang mas sikat sa FB post mo, ang kalualhatian ni Hesus o ang kalualhatian mo?
– Dasal –
“Panginoong Hesus, baguhin mo ang aking ugali, alisin mo sa puso ko ang bagay na hahadlang ng ebanghelyo. Gamitin mo ako sa iyong kalualhatian.”