Limang bagay na pwedeng gawin para mapigilan ang panonood ng marahas na cartoons sa TV o Youtube
1. Take control of what they watch (Kayo ang humawak sa kanilang panonood)
• Ipagbawal ang TV o computer sa loob ng kwarto ng bata.
• Sanayin sila na ang magulang (at hindi ang bata o ang yaya) ang
masusunod sa pagpili ng panonoorin.
• No TV & No YouTube rule (ipagbawal mula Lunes hanggang Huwebes)
• Silipin ang mga sites na binibisita sa internet at kung ano ang
pinanonood sa Youtube.
• Magbigay ng parental guidance – gabayan nang husto ang anak habang
nanonood sa paraang tama at angkop sa tema o kwento.
• Huwag mag-subscribe sa cable TV.
2. Don’t allow them to “own” computers, iPads, or tablets (Iwasang bigyan sila ng sariling gadgets)
Hindi natin mapipigilan ang technology. Minsan ay talagang kinakailangan sa pag-aaral ang mga gadgets na ito. Pero ayon sa mga psychologists, hindi makakabuti sa mga bata ang gadgets.
• Ipagbawal ang paggamit ng gadgets sa mga 1-11 taong gulang na bata.
• Kung hindi mapipigilan ang pagbigay ng gadget, sabihin na ito ay
“pahiram” lamang, at magbigay ng time limit sa paggamit nito.
• Maging istrikto.
3. Restrict YouTube (Higpitan ang panonood sa Youtube)
• Makatutulong ito, subalit hindi lahat ay kayang ma-filter.
• Mungkahi ng YouTube, i-turn on ang “restricted mode” na makikita sa
ibaba ng Youtube pages:

4. Internet curfew (Magtakda ng hangganan sa paggamit ng internet)
• Ang TV at main router para sa internet ay dapat na nasa loob ng
kwarto ng mga magulang.
• Mag-set ng wifi rules tulad ng istriktong pagpapatupad ng “no wifi
rule” paglampas ng 9:00 ng gabi.
5. Be specific in your prayers (Maging specific sa pagdarasal)
• Ipagdasal na magkaroon ng wisdom para sa mga dapat at tamang gawin.
• Hilingin sa Diyos na i-empower ka sa tungkulin mo bilang magulang.
• Ugaliing manalangin kasama ang inyong anak/mga anak.
Paalala: “Kaya’t inyong ilalagak itong aking mga salita sa inyong puso, at sa inyong kaluluwa; at inyong itatali na pinakatanda sa inyong kamay at magiging pinakatali sa inyong noo. At inyong ituturo sa inyong mga anak, na inyong sasalitain sa kanila, pagka ikaw ay nauupo sa iyong bahay, at pagka ikaw ay lumalakad sa daan, at pagka ikaw ay nahihiga, at pagka ikaw ay bumabangon”. (Deuteronomy 11:18-19)
– Prayer –
“I dedicate [name of child] to you, Lord Jesus. Make him/her the kind of person you want him/her to be. Teach me how to train my child/children according to your wisdom. Grant me patience and authority to instill discipline to my child/children. I dedicate to you the TV and gadgets that we own. May all these ultimately bring honor to Your Name.
Protect the eyes of my child/children and guard him/her/them against deceiving spirits. Protect our family from the schemes that Satan uses through media like TV and Youtube.”
→ Side effects of smartphone now includes growing horn.
bilang isang ate sa anim pang kapatid mahirap din sa akin sapagkat malayo ang aming ina sa aming piling isang malaking responsibilidad ang naiwan sa akin .., sa article na ito madami akong nalamn , madami pa pala akong dapat malaman sa aking kapatd kung ano ang mga ginagawa nila , pinapanood o ano man ..
sobrang masaya at may gantong makakatulong para sa mga magulang o kaninuman ., maraming salamat
paano kung yan lang ang palabas na cartoons LOL and kailangan talagang mapatahimik ang bata??
meron kaming mga dalaga at binata na kadalasan hindi namin alam kung paano gamitin ang mga yan ang alam lang namin basta mabuksan si fb okay na ni halungkatin ang fb paano kung ang mga binibisita nila ay hnd nmin alam?
yes !! tama minsan nakakalimutan ng mga bata kung sino dapat ang nasusunod !!
isang magandang tulong nito.
Does not appear to be unduly restricted them? when I made it 5 ways to stop kids watching violent cartoon movies? maybe one some point they rebel on us.
yan lang ang way ko para mapahinto ang isang bata ..,
nakakalungkot lang hnd ako naging AWARE
paano kung may mga teenager na hindi mo na maawat ? minsan sila pa talga ang nasusunod..
Dagdag na kaalaman.. na dapt masunod
yes i agree with that!
ngayun alam ko na ang mga bagay na ito paano ko nman ididiscuss sa buong pamilya ko ang mga ito? kung ttuusin sobrang luwag ko noon.,? baka namn sumama ang loob nila sa akin, lalo na’t sa pag gamit pala ng television ay may oras.. sa amin kasi ,magdamagan na kung minsan nakakatulugan na at ako pa minsan ang nagpapatay nito..
Kung sa una pa lang may rules and regulation kayo sa loob ng tahanan lalo na sa pag gamit ng mga gadgets o technology edi sana hndi kna mahihirapan na ipaliwanag sa kanila ang bagay na to. Maliban nalang kung ipapakita mo ang article na ito. 🙂
Parents dapat mag STAND!!
meron o wala mang wifi, gadget o tv at computer basta kasama ang magulang at nakakausap ng mga anak at maglang at magulang sa anak tiyak hindi lalaking addict ang isang bata
dapt lang ang ginagawa ng magulang ang wag msyado iexpose sa internet o gadgets ang mga anak
this is the right thing , keep it up