Pinakamahal na diamante na bigay ni Brad Pitt
Alam mo ba na ang pinakamahal na sing-sing na diamante ay nagkakahalaga ng 25 Milyong Piso? Ito ay binigay ni Brad Pitt kay Angelina Jolie noong 2012. Ang diamond o brilyante ang pinakamatigas na bato sa buong mundo. Ito ay ginagamit panghati ng salamin o metal. Pero mas madalas na ginagamit ito sa alahas na pangarap ng mga bababe dahil sa kinang nito.
Pero hindi lahat ng diamante ay makinang. Ang tunay na brilyante ay tila nakakasilaw. Subalit bago maging makinang ang isang diamond, kailangan muna itong tabasin ng mga 58 beses paikot. Kapag tinamaan ng liwanag, dito nakikita ang kanyang kinang. Kung ang diamante ay isang tao, masarap ba ang tabasin ka?
Kailangan tayong tabasin ng Diyos
Tulad ng tao, tayo din ay tinatabas ng Panginoon. Madalas, parang hindi matapos-tapos ang pagtatabas o ang ating problema. Sabi sa James 1, kailangan natin tiisin ang pagsubok at pag ito ay naging ganap, tayo ay mahihinog, kumpleto, at walang kailangan upang magtagumpay sa buhay.
Tunay na kinang mula kay Hesus
Pwede naman sumuko, pero kapag ginawa mo ito, ang iyong kinang ay pang ‘pwet ng baso‘ na lamang. Ano ang pipiliin mo? Tulad ng liwanag na nagbibigay ng kinang sa isang brilyante, ang liwanag ni Hesus sa isang Kristiyano ang nagbibigay sa atin ng buhay. Miski dumaan ka man sa madaming problema, kung hindi ilaw ni Hesus ang iyong hawak, ang iyong kinang ay hindi magtatagal.
James 1:3-4
You know that the testing of your faith develops perseverance. Allow perseverance to finish its work, so that you may be mature and complete, not lacking anything.