Kung Pinanganak ka ng WW1 or WW2, Ganito Sitwasyon Mo

292

Sa Pagtigil ng Orasan

Kung naiinis ka sa ECQ at “terrorized” ka sa anti-terror bill, kung pinanganak ka panahon ng digmaang pandaigdig, Spanish flu, at cholera outbreak, malamang sobrang depressed ka.

Nakakalungkot ang dulot ng Coronavirus. Nahinto eskwelahan at nalimitahan barkadahan. Maraming nawalan ng tarabaho, nagkasakit, at namatay. Tumigil ang buong mundo. Pero kung inabot mo ang WW1 at WW2, ganito ang mangyayari sa iyo:

Unang Digmaang Pandaigdig

  • 22 Milyong tao ang namatay sa buong mundo dahil sa gera, ito ay katumbas ng 150 Milyon tao ang namatay, kung ngayon ito nangyari.
  • Radyo lang entertainment, syempre walang YouTube at Facebook.
  • Sa sumunod na mga dekada, maraming pandemya ang kumitil ng buhay, bago pa dumating ang Coronavirus. 50 Milyon tao ang namatay.
Kinailangan na sa bunker masipag-aral ang kabataan, upang maiwasan ang bomba sa itaas.

Pangalawang Digmaang Pandaigdig

  • Halos 85 Milyon tao ang namatay sa buong mundo dahil sa gera. Katumbas sa 500 Milyon tao ang namatay kung ngayon ito mangyayari.
  • Ibig sabihin, isa sa bawat walo na kilala mo ang namatay. (WW2 Casualities)
  • Kung taga-Manila ka, walang tubig, pagkain, at wasak ang kapaligiran.
  • Kung taga-probinsya ka, karamihan nasa bundok, ang iba nakatira sa kweba.
  • Walang TV, sine, restaurant, at delikado lumabas dahil baka saksakin ka ng Hapon.
  • Syempre walang aircon, electric fan, at hindi pa naimbento ang internet at gadgets.
  • Pagdating ng summer, ilog ang katapat mo, kung taga-Manila ka, batya o balde.
Tulad ngayon, maiiwasan ang virus sa pagsuot ng mask. Noong araw ito ay gawa sa mabigat na materyales, hindi kaaya-ayang tignan, at mahirap gamitin. (Keystone/Hulton Archive/Getty Images)

Walang sinabi ang COVID kumpara sa outbreak noon

Simula 1900, maraming namatay dahil sa kung ano-anong pandemia at viral outbreaks. Kumpara sa 500,000 namatay dahil COVID-19, mga 7,000,000,000 ang namatay sa mga pandemia ng nakaraan. Madami din ang namatay sa gutom at milyong-milyon Kristiyano ang pinatay sa Middle East at China.

Dapat pasalamat

Na-stock ka man sa bahay, karamihan ay may electric fan, aircon, refrigerator, mobile phone, internet load, at higit sa lahat pagkain. Pwede kang maligo anong oras mo gusto, may tootbrush at toothpaste na wala noong digmaan. Higit sa lahat, malaya ang Kristiyano sa Pilipinas.

Napakadaming flu ang nagdaan at kumitil ng milyong-milyon buhay ng tao sa buong mundo.

Isang Tula, sa Pagtigil ng Orasan

Ang mga tao ay nanatili sa kanilang tahanan. Nagbasa ng libro, nakinig sa isa’t-isa, gumawa ng tula, nag-pinta, naglaro, sumayaw, kumanta, at nakapagpahinga ng payapa sa unang pagkakataon.

At dahil naging tahimik ang lahat, walang nagagalit, at walang naninira ng kapaligiran, ang mga nakatagong halaman ay umusbong, ang hangin naging mabango, nanumbalik ang tamis ng tubig, at ang tao ay naging mapagkumbaba.
Tumigil ang oras, naging mapayapa ang mundo!

mentoring
counseling

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here