Sabi mo Papa mahal mo kami, bakit mo kami iniwan?
Picture-perfect sila
I have a friend who seems to belong to a picture-perfect family. Maswerte talaga si Briana, super love sya ng Daddy niya at super caring naman ang Mommy. Actually, sa barkada namin, kinaiinggitan namin siya ng patago.
Sino ba naman kasing di maiingit sa pamilyang meron siya? Atensiyon ng magulang—present. Pagmamahal ng magulang—present. Pag-aalaga sa kanya—present. Lahat na ata ng maganda—present sa magulang niya.
Everything seemed fine, binisita namin siya sa bahay nila then nagulat kami ng mabalitaan naming umalis daw sa bahay nila ang Dad niya.
Naglayas?
Nag emote?
May ibang babae?
Noong una natawa kami, umalis lang ang dad niya naging depressed na siya? Baka naman kasi may bibilhin lang o di naman kaya ay pupuntahan? Diba? Pero hindi pala yun ang dahilan ng pag-alis niya at pagsama sa ibang pamilya.
Syempre depressing
We wanted to make Briana feel good. Walang kaming ibang ginawa kundi sabihin lahat ng moments na pinagsamahan nila ng Dad niya.
Basta sobrang dami naming pinaalala sa kanya para gumaan loob niya kaso kung gaano kadami ang sinabi namin sa kanya mas madami pa dun ang luhang pumapatak sa mga mata niya.
Pero ano bang dahilan ng lahat? Saan nagsimula lahat? Bakit ang kinaiinggitan ng lahat noon ay kinaaawaan na ngayon?
Memories na lang ba?
Nagulat kami ng bigla niyang sinabi, “Yun bang happy moments natin Dad, memories na lang? Mas nagulat kami ng biglang pumasok ang dad ni Briana at habang nakatingin sa anak niyang iyak ng iyak.
Briana, sorry. Nagkamali ako sa ginawa kong pag-iwan sainyo. Maling sirain ko ang pamilya natin para lang sa sarili kong kagustuhan. Gaya nga ng word ni Lord na nabasa ko:
Ephesians 6:4
“Fathers, do not provoke your children to anger, but bring them up in the discipline and instruction of the Lord.”
“Patawarin mo ako ako Bri… Sorry, magsimula ulit tayo.”