Sam Pascual Suicide Testimony

0
37

Lumaki si Sam sa isang disiplinadong pamilya kaya naman naging maayos ang kanyang pagkabata, subalit paano siya humantong sa tangkang pagpapakamatay.

From College to Failure

Lumuwas siya ng Maynila upang mag-aral sa kolehiyo ngunit imbis na pag-aaral ay walang inatupag si Sam kundi ang kanyang pagbabarkada. Sa halip na leksyon sa paaralan ay iba’t-ibang bisyo ang kanyang natutunan gaya na lamang ng pag-inom ng alak, paninigarilyo at ‘di naglaon ay maging ang pagdodroga.

Tuluyan na ngang nasira ang kanyang buhay hanggang sa tumambad sa kanya ang isang balita, siya ay na-kick out sa kanyang eskwelahan.

Suicide

Hindi na alam ni Sam ang kanyang gagawin sa takot na baka malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang mga ginawa. Kaya naman nagpasya siya na magpakamatay na lamang. “Hinihintay ko ang alas-dose, na doon ko iinumin yung lason. Tulog na silang lahat, wala ng gising. Pag-inom ko ng lason, wala na akong problema.” Kumbinsi ni Sam sa kanyang sarili, kasabay ng kaisipang ito na nga ang sagot sa kanyang suliranin.

Hinihintay ko ang alas-dose

Kumakatok ang Diyos sa pinto

Bago pa man gawin ni Sam ang kanyang balak, napukaw ang kanyang atensyon ng buksan niya ang telebisyon. “Nabuksan ko po yung 700 Club na si Pat Robertson ang nagsasalita at doon ishinare niya yung kaligtasan ni Hesu Kristo.. na may pag-asa pala ako at ang Diyos pala ay nagmamahal sa akin. Sa panahon na iyon ay talagang nawala ang isip ko sa pagpapakamatay, sumabay ako sa panalangin at tinanggap ko si Kristo.”

Lakasan ng loob
Kinabukasan ay agad na hinarap ni Sam ang kanyang problema kasama ang pag-asang ibinigay sa kanya ng Panginoon. Lakas-loob niyang inamin ang pagkakamaling nagawa at humingi ng kapatawaran sa kanyang mga magulang. Nasaktan man ay nanaig parin ang pagmamahalan at pagpapatawad.

Ang pagbabago
Makalipas ang dalawang taon ay nakapagtapos narin siya sa kursong major in Psychology. Dahil sa buhay na binago ng Diyos, si Sam ay isa ng Guidance Counselor ng mahigit labing-walong taon. Lubos ang kanyang pasasalamat sa pag-asa at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng Panginoong Diyos.

christian counseling philippines

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here