Vinna: The first transgender of the Philippines

The story of Vinna "Vins" Santiago - Robinson who changed his gender twice

Vinna: The first transgender of the Philippines to undergo gender reassignment surgery

Feeling ni Vinna, babae siya trapped inside a man’s body. Feeling niya, mas marunong siya, kaya binago niya ang design ni God. Feeling niya lalo, siya ay every inch a woman – looked like one, dressed like one, sounded like one, and functioned like one.

Well, siya lang naman ang unang Pinoy na napagpalit ng ari, ang unang lalaki na nag undergo ng Sex Reassignment Surgery or SRS sa Pilipinas.

#Hugot

Six years old pa lang siya, naging question na sa mind niya: “What have I done wrong?” Feeling niya, iniisip ng pamilya niya ay wala siyang ginawang tama. Lumayo ang loob niya sa kanila. Naging close naman siya sa kanyang mga kaibigan.

Hanggang sa isa-isa sa mga kaibigan niya ang nag-umpisang magladlad. Para mailayo siya from bad company, dinala siya ng parents niya sa bahay ng tita niya para doon tumira. Di nila alam, doon siya madadapa big-time.

Nine years old siya when his 19-year-old male cousin sexually molested him. For the first time, he felt good kasi merong nagbigay ng importansya sa kanya. Pero habang tumatagal, his cousin, treated him with contempt, just like everybody else. Confused beyond his understanding, he started to believe that God made a mistake. He had to be a girl.

TRANSGENDER MUSLIM, BINAGO NG DIYOS.

Haba ng hair

“I wanted men to fight over me, fall head over heels in love with me, and marry me.” Yun ang mga pantasya ni Vinna. In 1986, at 24 years old, naging controversial siya for being the first transsexual in the Philippines. Sumikat si girl!

The first transsexual in the Philippines

A beauty queen was born! Nagkandarapa ang mga lalaki sa kanya and among her suitors, na in-love si Vinna sa isang British guy, Steve Robinson. Finally, Vinna met her Prince Charming. Nagpakasal sila and lived as Mr. & Mrs. Robinson in England – ang fantasy, naging reality. Everything Vinna wished for, she got pero masaklap ang naging kapalit.

TESTIMONIES OF TRANSGENDER WHO DETRANSITIONED.

Walang “happy ever after”

Happy man si Vinna with Steve, wala siyang peace at unti-unting naging masalimuot ang kanilang pagsasama, leading to divorce.

Bakit ko iiwan ang asawa ko, ano ka hibang?

Gabi-gabi, nanonood siya ng The 700 Club. Parati syang may bagong naririnig na mensahe, “Dapat daw iwan ko na ang asawa ko. Bakit ko iiwan ang asawa ko, ano ka hibang? Ang hirap-hirap yata ng inabot ko, nakuha ko na, pagkatapos iiwan ko, ganun na lang?” sabi ni Vinna.

Something was happening in his heart. Tuwing nanonood si Vinna ng 700 Club, sinusundan niya ang acceptance prayer ni Pat Robertson about coming to Jesus for all your pain and hurt.

Then Vinna began to challenge God na nagsabi sa kanya na iwan niya ang asawang Briton. “Ikaw ang gumawa ng paraan,” sabi niya kay Lord. At gumawa nga ng paraan ang Panginoon.

After 6 years, nagsawa at nag-desisyon siya na iwanan ang asawa. Balik-Pilipinas si Vinna at dito niya pinagpatuloy ang “living la vida loca.” Nagpatuloy ang hormone injections to maintain the female celebrity status.

DRAG QUEEN STORY HOUR IS DEMONIC.

Everything was fake

Vinna got tired of pretending and finally decided to turn to God. In 1993, Vinna accepted Jesus as her Lord and Savior. Hindi madali para kay Vins na give-up niya si Vinna but with God’s help, unti-unti niyang hinubad ang kanyang “fake womanhood.” Pati ang inakala niyang kaligayahan at friendships, ay fake din pala.

Unti-unti niyang hinubad ang kanyang “fake womanhood”

Freedom Ministry

Mahirap man ang pagbabago, malaki ang naging tulong ng Freedom Ministry sa church, kung saan ang mga katulad niyang may gender issue ay nabibigyan ng support. Naging motivation ni Vins ang Bible verse sa 1 Corinthians 6:19-20, “Glorify God with your body.”

Matapos magpaputol ng buhok, magpatanggal ng breast implants at tumigil sa hormone injections, pusong mamon at malambot pa rin ang kilos ni Vins pero sa puso niya, siya ay tunay na lalaki.

Meet Gavino Makalinaw Santiago Jr.

Kumpleto na ngayon si Vinna, este si Vins, pero minsan kulang sa tigas – but that is not what makes a real man!

He knows that only a relationship with the Lord can make him whole and fully satisfied. May joy siya knowing he’s on the right track following God’s original design for him. Nawala rin ng parang bula ang kagustuhan ni Vins na magmukhang bababe.

Ngayon, naglilingkod si Vins sa Panginoon bilang pastor. Kabahagi siya ng gay recovery program sa Pasig City. Co-host din siya ng radio program, Family Matters, sa radio – 702 DZAS.

Deuteronomy 22:5
“The woman shall not wear that which pertaineth unto a man; neither shall a man put on a woman’s garment: for all that do so are an abomination unto the Lord thy God.”

Advice sa gustong magpa-opera

“Please, huwag na! Ngayon, I’m being true to everyone, na hindi tama ang magpa-opera… Kahit ano ang gawin mo, wala ka nang magagawa, kasi ito ang binigay ng Diyos,” sabi ni Vins. “I’m a man and will die a man,” dagdag niya.

Gustong idiin ni Vins sa iba na ang sex change ay irreversible. Baguhin man sila ng Panginoon o gustuhin man nilang maging straight at mag-asawa later on, di na pwedeng mamuhay nang normal. Unfair sa babae. Kaya huwag nang gumawa ng bagay na pagsisisihan sa huli.

Isa sa malaking pasasalamat ni Vins ay ang pag-iwas sa kanya ng Panginoon sa HIV or AIDS, na laganap sa mundo na kanyang ginalawan.

Watch Vins Santiago on 700 Club

EMILY TRESSA, THE FIRST TEENAGE TRANSGENDER.

- Advertisement -

3 COMMENTS

  1. oh my ! grabi ikaw ang magiging daluyan ng pag asa para sa mga taong nalilito hindi mahirap sa iyong sitwasyon nag mga bagay na iyan kung ikaw ang masusunod pero dahil sa tinawag ka ni Lord talagang babaguhin ka

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Follow us on social media!

Follow us on social media!