Transgender Queen Mark Estephen
Lumabas ang pilantik ng mga kamay ni Mark Estephen sa edad na syete. Imbis na basketball, si Barbie ang kanyang kalaro. Type niya ang mga damit ng lola, na patago niya sinusuot. Simple lang ang pangarap ni Mark, ang humaba ang buhok. Kaya sa tuwalyang naka-bilog sa ulo, dito niya binuhos.
Bumigay ang bata
Hirap ang pamilya ni Mark, miski anino ng tatay hindi niya nakita. Sa simula’t mula, halos ang lola ang nag-akay. Lumaki siya na nakikita ang ina kasama ang mga kaibigan sa bahay pero hindi para mag-alaga, kung hindi magtawanan habang nagiinuman. Kasabay ang droga pati pornography, ginagawang libangan.
Inabuso siya ng tito, kaya’t lalong nabasag ang batang nalilito.
Madalas siyang tuksuhin at tawaging “bakla, bakla!” hanggang tumatak ito sa isip niya at tinangap na lang niya na bakla nga siya. Pinilit niyang magka-gusto sa isang babae pero sa lalaki talaga siya naaakit.
Pagdating ng college, nahikayat siya ng kaibigang transgender na magpunta sa Manila. Dito nagsimulang magdamit babae at sabihan si Mark na ang ganda mo ate! Sa edad na labing siyam, todo bigay na ang nagkukunwaring babae.
Dream come true!
Nagsikap si Mark upang matupad ang pangarap na maging tunay na babae. Nagtarabaho bilang entertainer at GRO kasabay ang sideline kung saan tinagurian siyang class-A prostitute, “It was the easiest way to make money, I was beautiful and men wanted to marry me. I had money, acceptance and it made me feel like a real woman. Humaba ang hair ko, my dream came true.”

Super Sereyna Queen – Winner!
Naging mapera si Mark at nahibang sa plastic surgery at hormone treatment. Noong 2014, sumali siya sa pinakamalaking gay transpageantry sa TV. Nanalo siya bilang Eat Bulaga “Super Sireyna Queen of Flowers.” Dito nakilala ang bagong Mark na si Sabel Gonzales!
Pangarap ko ay ibigin ka
Nakipag-online dating si Sabel at nakilala ang isang Amerikano. Kinasal ang dalawa noong 2014, at tila narating na ni Sabel ang kanyang pangarap sa buhay – ang may magmahal na tunay na lalaki, maging sikat, maganda, at may pera. Tumira sila sa America. Tinanggap at minahal siya bilang isang tunay na babae at sinuklian niya ito ng pagiging caring, sweet, and loving. Makalipas ang dalawang taon, lumabo ang pagsasama at nag-divorce noong January 2017.

Lumipat sa Los Angeles si Sabel at naging popular sa transgender community. Naging modelo din siya at lumabas sa isang TV show, ‘Law and Order.’ Nakilala ni Sabel ang isang engineer. Gwapo, mayaman, at hibang na hibang sa kanya. Tila natagpuan na niya si Mr. Right. Nag live-in sila at tinuring siyang reyna ng tahanan. Subalit naghiwalay din sila dahil sa sobrang pagseselos ng lalaki.

May purpose pa ba ako sa mundo?
Dahil sa ang mundo ni Sabel ay naka-sentro lang sa mga makasarili at materyal na bagay, alam niya na ang kasiyahan na mayroon siya ay pansamantala. Dahil sa bigo muli sa pagibig, hindi niya makita na may dahilan pa ang kanyang buhay. “Ganito na lang ba parati, may purpose pa ba ako sa mundo?” tanong ni Sabel sa sarili.
Ninais niyang wakasan ang lahat at dito inakala ng demonyong kaaway na panalo na siya. Pero tulad mo, mahal na mahal ka ni Lord!
Mahilig siyang makining ng Christian music at sa mga awitin na ito muling nangusap ang Panginoon. Na-miss niya ang pagpunta sa simbahan at makinig ng salita ng Dios.
Naisipan niya na i-google ang keyword na “preaching” at napunta siya sa mensahe ni Pastor Bong Saquing, taga Christ Commission Fellowship Pasig (CCF).
“Ang salita ay nakatuon sa 1 Corinthians 6:9-10 na nagsasabing, “Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid… ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake, ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim… ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios“.
Inspired, nagpunta siya sa CCF Los Angeles sa Amerika at nagpa-counsel sa Filipino Pastor na si Insong Nolan. Naramdaman niya ang mainit na pagmamahal at pagtanggap sa kanyang katauhan.
Nagbasa muli si Sabel ng Biblia, at lalong nangusap sa kanya si Lord. Tinalikuran ang dating makamundong buhay at tinawag niya si Hesus upang sagipin ang kanyang kalungkutan. Naramdaman niya ang pagmamahal, pagunawa, at pagpapatawad ni Hesus.
Ang mahabang byahe ni Mark
Mabilis ang mga pangyayari sa buhay ni Sabel. Mataas ang atensyon sa kanyang pagbabagong buhay. Hindi niya maiwasan na balikan ang dating anyong babae at inanunsyo ni Mark kamakailan na nagbalik transgender siyang muli. Bagama’t hindi niya tinalukuran ang Diyos, humingi siya na paumanhin sa struggle na kanyang pinagdadaanan.
If anyone is in Christ, he is a new creation (2 Corinthians 5:17). “To be a real man is not only to act like a man but to be Christ-like,” ayon kay Mark na siya rin niyang pinagdadaanan at pinanghahawakan ngayon.
Spanish Professor Escoda wants DepEd to ban gay teachers?
Amazing ang testimony mo ate! este Kuya na pala π
Nakaka bless na testimony mula sa iyo Mark π
Amazing
Nakakatuwang marinig na ang isang Transwoman ay muling nagbalik
Pag si Lord talaga ang gumawa ng way, wala talaga tayong kawala God bless you Kapatid at nawa marami ka pang ma sheran ng iyong Buhay sa Panginoon
Napanood ko to sa Eat Bulaga! napakaganda niya. Pero ngayun sobrang napaka gwapo na
Napakannuti ng panginoon
Gamitin ka ka pa lagi ng Panginoon sa mga taong nais na makilala ang Panginoon
nice mark god bless you very inspiring history.
Nagbalik Transgender sya – nakalagay sa ibaba ng lahat ng story nya.
Naiintindihan ka namin/kita Mark.
Step by step, may tamang panahon sa lahat .. slowly but surely.
GOD loves u no matter what Markt Estephen Oblero. β₯
GOD BLESS US